Camille profile icon
PlatinumPlatinum

Camille, Philippines

VIP MemberContributor

About Camille

Beautiful momma of a handsome baby boy

My Orders
Posts(9)
Replies(55)
Articles(0)

"Baby blues" story

How do you handle baby blues mommies? The constant mood changes, crying spells and hard to sleep. Pa share ako mga mommy. Kakaexperience ko lang nito kagabe after namin ma discharge ni baby from hospital. More than 1 week kasi kami nag stay ni baby dahil naka antibiotic siya. Kasama namin ng husband ko ang mama ko sa hospital. Umuwi kami sa bahay ng in laws ko at umuwi na rin si mama sa bahay. Naglilinis si hubby ng room namin at kalong ko si baby sa sala naghihintay at medjo fussy na rin siya kasi nag popo at di ko rin siya mapalitan kasi di pa na empake yung gamit namin at di rin ako pwede magkikilos kasi CS din ako. Nung sa kwarto na kami at nalinisan ko na rin si baby at pinatulog sige pa kami sa pageempake lalo na't di pa din naayos yung mga damit ni baby.Salit salitan din kami ni hubby lumabas ng kwarto dahil di pwede maiwan si baby na mag-isa. Nagpalinis din ako ng tahi ko sa kanya at saktong nagising din si baby kung saan kaka open lang ni hubby ng gauze. Grabeng iyak ni baby at di ko alam anu uunahin ko same sa hubby ko, binuhat niya at linagay sa tabi ko kaso di rin ako makakilos ng maayos kaya linagay ulit ni hubby sa kuna kahit iyak ng iyak yung baby namin. Mabilisang linis lang ginawa ni hubby at kinuha ko din agad si baby at pina dede at natulog na din agad. Pinauna kong kumain si hubby at ako muna naiwan ky baby. Nang nag aayos ako bigla na lang akong humagulgol, di ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Naisip ko na mahirap pala maging nanay, yung worries mo sa baby mo kahit katabi mo lang. Kahit pa sabihin nila na magpahinga ka kami na bahala di pa rin talaga nawawala yung worries mo at di ka pa rin talaga makakatulog ng maayos lalo na at nagbebreastfeed ako. Ito yung sinasabi nila na, "You can't feel it not unless you experience it". Mabuhay tayong mga nanay 😊 #firsttimemom #firstbaby #TeamNovember2022 #BabyBoy

Read more
 profile icon
Write a reply

Marriage Life!

6 yrs of being bf/gf, 2 yrs live in & 3 months married and a baby coming!🥳 How's your life after marriage po? Ano pong mga adjustment nio especially to those couple na medjo my katagalan din na mag bf/gf muna before mag plan na magpakasal. Simula kasi ng makasal kami ni hubby dito na ko sa bahay ng in laws ko nakatira and ok naman, wala namang problema sa kanila at asikasong asikaso pa nga ako especially na magkakaroon na rin sila ng apo. Ask ko lang kasi if meron din ba sa inyo - noon kasi na bf/gf at live in pa lang kmi ni hubby di ko pinapakealaman yung money niya unless kung bibigyan niya ko or if my babayaran sa grocery hati kami. Ngayon kasi no work pa ko kasi preggy and medjo maselan din pagbubuntis ko pero my plan nman akong maghanap kapag ready na ko ulit after pregnancy. Di ko kasi handle yung money ni hubby kasi kahit naman bigay niya sakin credit card niya mabubuksan niya pa rin at mka access through online. Di rin kasi mahilig si hubby sa cash out unless if kelangan like pamasahe or pambili ng food. Binibigyan din naman ako pambili ng cravings and nagtatanong naman sia if my need ba kong bilhin na di ko mabili kasi nasa province kami and yung work nia nasa CT pa. Ok lang naman po ba yun ? kasi sa bayarin naman dito sa bahay yung in laws ko yung bumabayad from food, water at electric bills. Nahihiya nga ko kahit pa anak din naman nila yung hubby ko kasi yung ambag lang talaga namin sa bills eh yung internet and nasa senior na rin sila. And sinabihan naman na ko na mag focus lang ako sa pregnancy ko and ok naman sakin yun, yun lang kasi di mawawala kung ok lang ba na ganon yung set up namin ni hubby, di ko pa sia kasi natanong kung nag iipon din sia para sa delivery ko. Supportive din naman mga kapatid niya at lahat sila excited din naman and willing to help pero di din kasi mawala sakin yung hiya kasi nga married na kami and feeling ko responsible kami sa gastusin. Minsan nahihiya din ako mag open up sa hubby ko kasi feeling ko wala naman nagbago samin simula nang nakasal kami maliban na lang sa mas naging sweet at maalaga sia sakin. Share nio naman mga mommy and daddy yung thoughts and experiences nio as newly wed and kung my adjustment din kayong ginawa. Thank you!☺️ #advicepls #firstbaby #firsttime_mommy #marriage#NewlyWed

Read more
Marriage Life!GIF
 profile icon
Write a reply

Sharing my US @ 12 weeks 0 days baby and my experience in 1st trimester.

This was my first ultrasound via TVS. If base on my LMP 13 weeks and 3 days but base on the ultrasound and length of my baby 12 weeks and 0 days with 160bmp heartbeat. I was 2 months delayed before I got my serum test with positive result of pregnancy and after 2 days I test again through urine test (di po kasi ako makapaniwala dahil medyo may katagalan ding hinintay). Before I knew I was pregnant, in those 2 months I experienced nausea twice early in the morning and thought it was normal kasi acidic din ako. Palagi na rin akong inaantok, gutom at tinatamad kumilos. I have also breast tenderness within those months at plan ko talaga na i.observe muna yung sarili ko at magpa delay ng 2 months para sure na positive talaga. Regular naman ang period ko kaso nung nagbalak na kaming mag conceive nadedelay na ko ng sobra 1 month and kapag mag.PT naman ako palaging negative and pagka next day meron na kong period kaya nawalan din ako ng pag-asa. After namin nalaman na positive talaga, we made an appointment sa OB para my advice at maresetahan ng vitamins and dun na lumabas yung mga weird na symptoms ko in pregnancy. Wala naman akong morning sickness aside sa nasusuka at sensitive sa pang amoy and nawalan na ko ng gana kumain kahit pa gustong gusto ko dahil parang ang bilis kong mabusog. Nagkaron din ako ng contact dermatitis sa mukha at binti and dandruff na parang natutubig na yung scalp ko sa sobrang kati so another check up naman sa derma. After naman akong naresetahan ng soap and cream nawala na rin naman. Another thing is sa 1st ultrasound ko nakitaan din ng endocervical polyp pero malayo layo naman sa cervix ko and according to my OB di na need mag pap smear at my possibility naman na mawala kapag ma deliver ko na si baby, yun nga lang at more on bed rest kasi my times din na nagkaron ako ng brown discharge and possible na sa polyp siya as long as wala namang contraction and inum kagad ng pampakapit. I'm currently 17 weeks 4 days and waiting for my next check up and ultrasound for my baby's condition and gender. #1stimemom #pregnancy #firstbaby #Share2langpo

Read more
Sharing my US @ 12 weeks 0 days baby and my experience in 1st trimester.
 profile icon
Write a reply