No weight Gain

6 weeks baby boy. Exclusive breastfeeding. Kakavaccine nya lang today at nalaman ko weight nya 3kg pa din same nung pinanganak sya. Sabado pa sched ng pedia pero sobra na worry ko. Naawa ko ang payat ng baby ko :( meron ba same sa baby ko?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

possible nyan baka pag nagpapasuso ka, di nya nakukuha yung pinakamaputi o yung hindmilk na tinatawag, nandyan kasi ang protein at fats na mabilis makapagpataba sa baby. sa breastmilk po kasi may foremilk (yung unang lalabas na malabnaw parang tubig, panawid uhaw ni baby yun kung tawagin) then saka lalabas yung hindmilk (o yung maputi puti na milk, ito pangsatisfied pambusog ni baby). dapat napapasuso nyo po ng maayos minimum po ng 15mins per suso kung sakali sabi sakin ng lactation consultant. dapat kung nakaktulog, gigisingin also eat foods rich in protein at fats po. kasi given naman na nutritious ang breatmilk pero nasa mommy pa rin yun kung pano sya kumain ng healthy pa, madagdagan yung nutrients.. dahil kung anong nutrients nasa food ng breastfeeding mommy, yun din nakukuha ni baby pag sumususo. si baby ko naman from 3kg nung newborn to 5kg ng 7weeks old at from 48cm to 58cm din po yung height. pinapaensure ni lactation consultant na almost empty yung 1 breast bago nya ipalipat sa kabila si baby para susmuso kung bitin pa sa milk. as per our pedia normal na di maggain ng weight for up to 1month old pero beyond that dapat naggaggain na atleast 200grams per week kung maganda ang nutrients na nakukuha. basta maganda rin ang output: poops and ihi 6-8x diaper (puno) per day.

Magbasa pa
3y ago

Paano nalalaman na almost empty na po ang breast ?? Yung baby ko kasi mayat maya na dede, pero mabilis lang kasi nakakatulog. Hindi na magising.