MABABANG INUNAN

5 months pregnant na ko sabi ng ob ko mababa daw ang inunan ko. Sabi na may posibilidad namang tumaas. Sabi ng iba magpa hilot daw aq. Pero nd naman aprobado ng mga ob un? Kayo ano ang ginawa nyo?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Huwag ka magpahilot sis. May friend ako na ganyan, nagpahilot and nakunan siya kasi humiwalay yung inunan sa baby, parang ganun nangyari. Yung nanay nya kasi pilit ng pilit magpahilot. Kaya mama ko sinasama ko talaga sa check ups ko para marinig niya na bawal yung hilot ganyan. Mababa rin placenta ko and bedrest and no sexual contact lang advice ni OB ko.

Magbasa pa

Hi mommy! Ako din ganyan po nung buntis ako. Sabi lang saken na huwag magbuhat ng mabigat na gamit at as much as possible put my feet up. Buti nalang by 7.5 months, umkayat na sya. Ito po mommy, basahin ninyo para alamin kung ano ang placenta previa: https://ph.theasianparent.com/low-lying-placenta

Low Lying Placenta rin po ako mam ang gnagawa ko lang bedrest po tapos hnd po kami nag do do ni hubby ko at higit po sa lahat mam nilalagyan ko po ng unan ung puwitan ko dalawang unan at tnataas ko po sa pader ung mga paa ko hopefully sa next check up ko mataas na ung placenta ko

VIP Member

Ako sis placenta previa totalis .. bedrest lang ako sa awa ng diyos high lying placenta nako .. wag lang mag buhat nga mabibigat at no sexual contact .

Sabi ng nurse sakin pag ganyan ilagay mo unan mo sa pwet mo na mga 20 minutes tapos haplos haplosin mo ng pataas yung nasa puson ..gnyan ginawa ko sakin

ako 29 week nasa baba daw inun nan ko,may possible poh ba na tumaas pa ang placenta ko

Alagaan nyo po sarili nyo, momshie. Wag buhat ng mabigat.