Blessing! Sobrang SAYA. " Mommy Bat Wala PA Menstruation Mo" May Flo Tracker Po Si Hubby Ko.

4 years of waiting po at last na buntis na po ako. Walang mapaglagyan kaligayahan. After getting married po, walang taon na di kami nag undergo ng insemination.. Taon taon sa kada baba po talaga ni hubby ko yon ngunit di pinalad. Hang gang sa nitong April lang po nalaman naming buntis ako... Pero nag away pa kami non, kasi hindi ko pa alam talaga, tapos bigla at parang sumobra na ugali ko.. Ayaw na ayaw ko makatabi husband ko at yon, mag 2 days na nasa sofa cya sa baba nakahiga o minsan sa other room po. Hanggang sa napuno na cya sa akin at napaisip. Tiningna nya bigla cellphone nya at may binasa yon Pala nag check Yong tracker nya bat wala pa daw ako menstruation at akoy delayed sa isip lang nya iyon, at bigla paandar ng kotse umalis. Yon Pala pumunta ng pharmacy at bumili ng madaming PT... Pag dating niya, nasa kwarto kami.. Ayaw ko pa sana kausapin kasi nga po nag away kami. At yon, ibinigay nya sa akin dala nya nag PT ako.. Pareho kami kinakabahan.. Pero mula ng lumabas dalawa g guhit, humagolgol po sa iyak si hubby.. At pinaubos lahat ng PT positive lahat. Di pa nakontente kinabukasan pinag PT parin nya ako... Puro positive po. 😇😇😇. I'm 31 na po and 35 po si hubby... 4 years din po pag aantay namin. Normal lang din nabuo si baby.. Hindi ng dahil sa insemination ang sakit pa naman pag tinusok na ako. Thanks God, I'm now 12 weeks pregnant and Masilan po. Lage nakahiga. Ibibigay talaga ni lord in a right timing. Ecq made po si baby. Kung walang ecq, Naka sched po kami March and April for insemination... Kaso may lockdown sa city at ecq. By July sasampa po si hubby ulit at Sabi nya napagsilbihan pa nya unang trimester namin ni baby.. Ang Saya po. Salamat sa pagbabasa mommies.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wow nakakatuwa naman po malaman. God is indeed good talaga.Best feeling po yan na malalaman mo na magiging magulang na kayo. Magkasing age pala tayo,sis😍hihihi. Ingat po kayo lagi para rin kay baby.God bless you.Congratulations din po ulit💕

5y ago

At ang sarap po pakinggan na may nag co-congats po.. Thank you sis.. ❤️❤️❤️