Impregnated by an ex

4 months na po kaming break ng ex ko last sept 1. Di po kami married and i am still single. I just found out i got pregnant by him last dec 6. Sya lang huling lalaki gumalaw sakin. Pinaalam ko sakanya through a common friend pero deadma. But i found out sa town nila proud sya sya ang ama ng baby ko. Pero dito sa town ko, dinedeny nya. Kelangan ko pa po ba sya habulin para may kilalaning tatay ang baby ko? I wasn't born from a broken family neither do i want my baby to end up with one? Moved on na ako sakanya tlga kaso when i found out i am pregnant by him, nanumbalik lahat sakin. A lot of people stop me from chasing him and sa side naman ng guy, walang nalapit sa side ko. Please help. I am a first time mom. ๐Ÿ˜ž๐Ÿ˜ž๐Ÿ˜ž

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi. Proud siguro siya na nakabuntis siya, may mga ganyang ego ang ilang lalaki, pinagmamalaki na nakabuntis pero hindi naman pinanagutan. At mukhang hindi rin interested sainyo ang side ng lalaki. May kasabihan na "You don't just marry a person, you marry a family." Huwag mong bigyan ang sarili mo ng problema sa pagpasok sa pamilya na parang hindi naman kayo importante. My ADVICE is to not stay in a relationship just because of the baby. Maraming pamilya ang buo at nakatira sa iisang bubong pero magulo, at emotionally distant. Dahil sa parents na hindi magkaisa sa pamamalakad ng pamilya at mga buhay nila. At kung ang anak mo ang dahilan para makipag balikan, ending niyo broken family parin. Pagaralan niyo na lang mag Coparenting. That way hindi maramdaman ng bata na may kulang dahil both parents niya ay engaged sakaniya kahit di araw-araw mag kita. At kapag nanganak ka, napuyat, at nakita mong ikaw lang ang nagaalaga at may malasakit sa anak mo, mas lalo ka lang mai-stress baka magka PPD ka pa. Kaya wag na. Yun ang advice ko. You can take it or leave. Nasa sayo ang huling decision.

Magbasa pa

kung ano sa tingin mo ang mas makakabuti sa iyo emotionally at sa anak mo. kung kaya mo naman syang buhayin at ayaw mo na sa ama ng bata na yan. wag kana mag habol pero maganda parin na mag usap kayo at magkaliwanagan. baka mamaya bumalik yan sa buhay mo at akuin bigla. maganda may pag uusap kayo. para may peace of mind kadin. ingat ka po. stay healthy. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa