Share ko lang po. Pasensya na wala lang masabihan ng sama ng loob

3yrs na kming nagsasama ng asawa ko. Nahuli ko na rin siya ilang beses na niloloko ako. Dumating na din sa point na sinaktan niya ko. Pero lahat yun pinalagpas ko alang alang na din sa mga anak namin tas mahal na mahal ko siya. Bukod pa dun hindi niya kayang iwanan yung mga kaibigan niya. Kaya niyang gawan ng paraan lahat isang aya lang sakanya mas okay pa sakanya na iwanan kami sa bahay kahit na nung bagong opera ako at bagong panganak nun iniwanan niya kami para lang sa inuman. Tinatanong ko siya kung bakit ganon kesyo nahihiya daw siya kaya pumupunta siya. Nung nakaraan nag away kami ng sobra at dun niya na inilabas lahat lahat ng sama ng loob niya sakin. Kung hindi lang dahil daw sa mama niya eh matagal niya na kong iwanan at dahil sakin hindi na siya nakapag aral dahil nung time na yun nabuntis ako at napilitan lang daw siya na magsama kami. Sabi niya pa naghahanap pa daw siya ng iba kasi hindi naman talaga ak yung gusto niya. Pinapakisamahan lang niya ko dahil lang din sa mga anak namin. at kahit konteng pagmamahal wala siyang nararamdaman para sakin. Kaya wag daw ako mag assume ng kung ano galing sakanya. Hayaan ko nalang siya sa kung anong gusto niyang gawin kasi lahat ng gusto niya gagawin niya pa rin kahit ikagalit ko. Pinagbabawalan ko din siya sa pag inom inom kasi halos gabi gabi nalang nasa inuman. Di ko na alam kung ano gagawin ko kung magstay pa ba ko o hindi na. Kasi sobrang sakit na talaga! Pahinge naman po ng advice. Maraming salamat po.

160 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Iwan mo na yan sis, hindi ka niya pinapahalagahan, kaya pahalagahan mo sarili mo. Anak mo nalang yung strength mo kaya mo yan kahit mahirap para sayo din yan sis

Ako sayo girl maghanap ka ng ibang boyfriend kung hindi mo kaya buhayin mag isa ang mga anak mo . Iwanan mo yang demonyo na yan. Ako yan masaksak ko pa yan.

hayaan mo po muna sya. eventually pag nawala kayo ng bb mrerealize nya rin worth nyo. if not naman that's okay sya naman nawalan mamshie hindi ikaw. ❤ xx

He already give you his reasons para humiwalay ka. Iwan mo na sya. I know its hard to think na 3 yrs na kayo at nasasabi nya pa yan. How irresponsible.

Nasad ako sa kwento mo :( Kasal po ba kayo? It's better na bumukod ka na po sakanya, kahit makapagprovide na lang sha ng sustento para sa anak nyo.

Leave him na momshie sobra na mga sinabi sayo...hayaan mo siya sa mga gusto niyang gawin baka hindi pa siya ready pero napaka irresponsible niya...

Wala siyang kwenta. Iwanan mo. Mahalin mo sarili mo at mga anak mo. Alam ko kaya mong buhayin ang mga anak mo ng ikaw lang. Di siya kawalan sis

At higit sa lahat mag pray lang po kayo to heal your self and to give you strength na ma overcome nyo po iyan.. lalo na po para sa anak nyo po.

Kung wala na ni katiting na respeto sa relasyon, leave. Respetuhin mo na lang sarili mo. God will surely provide you what you really deserve.

Hayaan mo lang siya ksi ako nun seaman husband ko halos nahuhuli ko siya pero now nagabago siya hanggang ngayun good boy na niya