Share ko lang po. Pasensya na wala lang masabihan ng sama ng loob

3yrs na kming nagsasama ng asawa ko. Nahuli ko na rin siya ilang beses na niloloko ako. Dumating na din sa point na sinaktan niya ko. Pero lahat yun pinalagpas ko alang alang na din sa mga anak namin tas mahal na mahal ko siya. Bukod pa dun hindi niya kayang iwanan yung mga kaibigan niya. Kaya niyang gawan ng paraan lahat isang aya lang sakanya mas okay pa sakanya na iwanan kami sa bahay kahit na nung bagong opera ako at bagong panganak nun iniwanan niya kami para lang sa inuman. Tinatanong ko siya kung bakit ganon kesyo nahihiya daw siya kaya pumupunta siya. Nung nakaraan nag away kami ng sobra at dun niya na inilabas lahat lahat ng sama ng loob niya sakin. Kung hindi lang dahil daw sa mama niya eh matagal niya na kong iwanan at dahil sakin hindi na siya nakapag aral dahil nung time na yun nabuntis ako at napilitan lang daw siya na magsama kami. Sabi niya pa naghahanap pa daw siya ng iba kasi hindi naman talaga ak yung gusto niya. Pinapakisamahan lang niya ko dahil lang din sa mga anak namin. at kahit konteng pagmamahal wala siyang nararamdaman para sakin. Kaya wag daw ako mag assume ng kung ano galing sakanya. Hayaan ko nalang siya sa kung anong gusto niyang gawin kasi lahat ng gusto niya gagawin niya pa rin kahit ikagalit ko. Pinagbabawalan ko din siya sa pag inom inom kasi halos gabi gabi nalang nasa inuman. Di ko na alam kung ano gagawin ko kung magstay pa ba ko o hindi na. Kasi sobrang sakit na talaga! Pahinge naman po ng advice. Maraming salamat po.

160 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ALAM MO NA MISMO KUNG ANONG DAPAT GAWIN. OR MAYBE GUSTO MO LANG MARINIG OR MABASA DIRECTLY FROM OTHER PEOPLE? 🤷‍♀️

immature pa sya. bigyan mo ng leksyon sis pra magtanda..iwan mo muna sabihin mo kpg nagtino na sya dun mo sya babalikan

nakakaloka palibhasa hindi sila yung nabobondat at nakaka ramdam ng mga nararamdaman natin kupal tlaga yang mga ganyan lalake

6y ago

Habaan nalang naton pasensya natin sis. May mga lalake talagang sadyang ganyan.

Self love Mommy,isipin mo yung mga anak mo bat kapa mag stay sa isang relationship kung ikaw lang ang nag mamahal:(

Iwan mo yan, walang kwenta mga ganyang lalaki. Wag pairalin yang pagmamahal na di naman karapat dapat sa kanya.

Wala na pong dahilan para mag-stay momshie. Mahalin ang sarili at ang mga anak. Kawalan niya po, hindi sayo.

iwan mo na lang sya sis kesa nahihirapan ka. ikaw lang ung kawawa kung patuloy kang mag sstay sa side nya.

bigyan mo ng leksyon umalis muna kayo ng mga anak mo pra malaman niya ang halaga mo pti ng mga anak mo

D kana pala mahal. Sad to say need mo humiwalay sa kanya. Importante suportahan nya pa rin baby nyo

Ipag pray mo sis. For now lumayo ka muna and love yourself more and mga anak mo. Just pray for him.