Share ko lang po. Pasensya na wala lang masabihan ng sama ng loob

3yrs na kming nagsasama ng asawa ko. Nahuli ko na rin siya ilang beses na niloloko ako. Dumating na din sa point na sinaktan niya ko. Pero lahat yun pinalagpas ko alang alang na din sa mga anak namin tas mahal na mahal ko siya. Bukod pa dun hindi niya kayang iwanan yung mga kaibigan niya. Kaya niyang gawan ng paraan lahat isang aya lang sakanya mas okay pa sakanya na iwanan kami sa bahay kahit na nung bagong opera ako at bagong panganak nun iniwanan niya kami para lang sa inuman. Tinatanong ko siya kung bakit ganon kesyo nahihiya daw siya kaya pumupunta siya. Nung nakaraan nag away kami ng sobra at dun niya na inilabas lahat lahat ng sama ng loob niya sakin. Kung hindi lang dahil daw sa mama niya eh matagal niya na kong iwanan at dahil sakin hindi na siya nakapag aral dahil nung time na yun nabuntis ako at napilitan lang daw siya na magsama kami. Sabi niya pa naghahanap pa daw siya ng iba kasi hindi naman talaga ak yung gusto niya. Pinapakisamahan lang niya ko dahil lang din sa mga anak namin. at kahit konteng pagmamahal wala siyang nararamdaman para sakin. Kaya wag daw ako mag assume ng kung ano galing sakanya. Hayaan ko nalang siya sa kung anong gusto niyang gawin kasi lahat ng gusto niya gagawin niya pa rin kahit ikagalit ko. Pinagbabawalan ko din siya sa pag inom inom kasi halos gabi gabi nalang nasa inuman. Di ko na alam kung ano gagawin ko kung magstay pa ba ko o hindi na. Kasi sobrang sakit na talaga! Pahinge naman po ng advice. Maraming salamat po.

160 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mag-alsabalutan na kayo ng mga anak mo Mommy. Kung ganyan pala ang nararamdaman niya for you umalis ka na. Hindi yan ikatatahimik ng loob at isipan mo. Give yourself the peace you deserve.

Iwanan mo na po.. bigyan mo ng respeto ang sarili mo. At pagmamahal sa mga anak mo. Kaya mo yan mommy.. marami pang taong kaya kang tanggapin ng buong buo at mahalin tulad ng pamilya mo..

Sis know your worth sorry to say pero walng kwenta ang asawa mo para maiparamdam sau ang mga bagay na ganun kung kelan may mga anak na kayo..wala kang peace of mind pag ganyan..

Kung hindi naman kayo kasal, iwanan mo na sis. Then pagusapan niyo na lang yung about sa financial support niya sa mga bata. Sasama lang loob mo pag nag stay ka pa kasama siya.

Madali lang problema mo.. Iwanan mo.. Di na uso ngayon ang rason e "para sa mga anak ko".. He already told you... Di ka nya mahal.. Napilitan lang.. Gising na 'Day!

Magbasa pa

Let go mo na momsh. Wag na natin ipilit ung taong ayaw na satin, parehas lang masasaktan. Isipin mo ung makakabuti sa iniong dalawa. Just tell him na be a responsible dad

Iwan mo na momshie kaya nyo yan ng baby mo kahit wala yang asawa mo.,,, kesa may asawa ka nga wala namang kwenta iwan mo nalang baka sakaling tumino ,, always pray po

Acceptance, mommy. 😊 Kaya siya hindi sumusunod kasi nga di siya siguro masaya. Hayaan mo, makakahanap ka din ng same level ng pagmamahal na binigay mo sa asawa mo.

Just leave if you're not happy. Bat pakikisamahan mo pa siya. Dagdag lang siya sa magiging isipin mo at asikasuhin mo. Focus on your baby nalang mas sasaya ka pa. :)

Payo ko lang po na mag usap po kayo parehas ng mahinahon. Baka parehas kayong mainit nung time n yun kaya kayo nakakapagbitaw ng masasakit na sakita sa isa't-isa.