Iwanan mo na sama mo mga anak mo momsh mag dudusa ka lng sa lalaking yan habang buhay ang kapal ng mukha magsalita ng ganun after ng lahat. Tsk kundi ka na nya mahal tigilan mo na sis. Kasi baka dumating ang araw na hindi ka lng basta saktan baka makaisip pa sya ng mas worst dun para lng mawala ka sa paningin nya.
Iwan mo na yan momsh! Napaka walang kwentang tao. Gigil ako!! Wag mo hayaan na itrato ka niya ng ganyan. Tama na yung pag titiis mo momsh. Mas lalo ka lang mahihirapan kung ipipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw naman. Hindi mo kawalan yan. Tignan nalang natin kapag tumanda siya sino pa ang matitira sa kanya. Gggrrr
Hindi po healthy magstay sa ganyan. Lalo na sknya mismo galing yung katotohanan. Magtira ka po ng pride sa sarili niyo po. Di niyo deserve yan. Mahirap man po iwan kasi mahal niyo at may anak kayo, pero mas mahirap naman po kung buong buhay niyo po itotolerate yan di po ba. Sayang po oras at panahon mommy e.
Just let go mommy, kasi ang hirap pakisamahan ang isang tao pag wala itong pagmamahal sayo, mahirap din pilitin pag ayaw talaga... You deserved someone na magmamahal sayo ng totoo at magbibigay saya sa buhay mo. Life is so short kaya we need to be happy and let go and sacrife na di para sa atin.
Hi momsh, for me. Better leave him isama mo kids mo, kung sinabi naman pala niya na hindi ka niya Mahal. Para saan pa at nagsasama kayo? Besides you deserve better treatment. Pag wala na kayo saka niya marerealize kung ano yung nawala sa kaniya. Pray mommy. You can do it! Hug 😊
Pagtuunan nlng po ntn ng panahon ang baby kesa sa mga gnyang partner. Be strong para kay baby. Tinatake for granted nya kayo. Mas okay magbakasyon muna kayo, baka sakaling marealize nya yung worth nyo. Pero kung hindi, wag ka maghinayang. You & your baby deserve more.
sis kapag ganyan ang trato sa iyo ay wala na syang respeto sa pagkatao mo. Huwag kang magtiis sa ganyang lalake, iiyak mo lang sa Dios iyan, manalangin ka at totoong may dahilan ang Dios sa lahat ng nangyayari sa buhay natin. May awa ang Dios, malalampasan mo iyan.
momsh pag gnian n sitwasyon mgguluhan ka pa dn b dpt s kng anu dpt mo gwin? kausapin mo sya about his obligations sa mga ank nio and leave.. hndi ka santa at kht anu gwin mo dka patatayuan ng statwa ng asawa mo sa kamartiran mo.. u desrve to be treated wid respect!
Kasal po ba kayo? Or nagsasama lang po? Kung kaya mo naman momsh iwan mo nalang basta make sure mo lang na yung sustento nya sa mga anak nyo is continuous. Hindi healthy na makita ng mga anak mo yung ganyan momsh. Mahirap nasa iisang bubong kayo for convenient.
Harap harapan na sinabi sayo na walang pagmamahal at napilitan lang na pakisamahan ka. Why stay sa ganyang relasyon na ikaw lang ang nagmamahal, na ikaw lang ang lumalaban. You dont deserve to be treated like trash, no one deserves that. Know your worth.