Share ko lang po. Pasensya na wala lang masabihan ng sama ng loob

3yrs na kming nagsasama ng asawa ko. Nahuli ko na rin siya ilang beses na niloloko ako. Dumating na din sa point na sinaktan niya ko. Pero lahat yun pinalagpas ko alang alang na din sa mga anak namin tas mahal na mahal ko siya. Bukod pa dun hindi niya kayang iwanan yung mga kaibigan niya. Kaya niyang gawan ng paraan lahat isang aya lang sakanya mas okay pa sakanya na iwanan kami sa bahay kahit na nung bagong opera ako at bagong panganak nun iniwanan niya kami para lang sa inuman. Tinatanong ko siya kung bakit ganon kesyo nahihiya daw siya kaya pumupunta siya. Nung nakaraan nag away kami ng sobra at dun niya na inilabas lahat lahat ng sama ng loob niya sakin. Kung hindi lang dahil daw sa mama niya eh matagal niya na kong iwanan at dahil sakin hindi na siya nakapag aral dahil nung time na yun nabuntis ako at napilitan lang daw siya na magsama kami. Sabi niya pa naghahanap pa daw siya ng iba kasi hindi naman talaga ak yung gusto niya. Pinapakisamahan lang niya ko dahil lang din sa mga anak namin. at kahit konteng pagmamahal wala siyang nararamdaman para sakin. Kaya wag daw ako mag assume ng kung ano galing sakanya. Hayaan ko nalang siya sa kung anong gusto niyang gawin kasi lahat ng gusto niya gagawin niya pa rin kahit ikagalit ko. Pinagbabawalan ko din siya sa pag inom inom kasi halos gabi gabi nalang nasa inuman. Di ko na alam kung ano gagawin ko kung magstay pa ba ko o hindi na. Kasi sobrang sakit na talaga! Pahinge naman po ng advice. Maraming salamat po.

160 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Iwan mo na po yan hindi mo po deserve ang ganyang lalaki. Nasa ganyang sitwasyon din po ako ngayon pero hindi niya naman ako sinasaktan niloko niya ko kaya pinipilit kong kayanin kahit masakit para sa magiging baby ko stay positive lang po tayo kaya natin to.

Ewan mo na momsh bka mapano kpa dahil sa stress at kakaisip. Mag cmula ka po ulit. Hinge ka na lng ng sustento for the kids. Hinge ka din help sa mga taong makakatulong sau. Either mag work ka or mag business ka. Wala din naman patutunguhan pag titiis mo eh.

Iwan mo na, binata pa magisip yan. Pagusapan nyo na lang yung sa suporta kay baby. O kung di nya kaya, dun ka makipagusap sa mama nya since supportive naman kamo mama nya kay baby nyo. Di sya kawalan, napakarami dyan na lalaking papahalagahan kayo ni baby.

sis wg ka na mgpakatanga ( sorry sa word) taena mga lalaki ya tapos gumawa at mg pakasarap gnyn ggwin nila. ako syo sis iwan isama mo baby mo. kesa sa araw arw ka namumublema sa letcheng lalaki na yan . sorry tlga nadala lng ako naranasan ko kc yan.

6y ago

😂..... 👍.....

alam mo sis f d nmn kau kasal mghiwalay n lng kau kesa nmn gnyan kau everyday bka mkita ng mga anak nyo kawawa nmn sila d b' pwo f kasal kayo try to talk to an expert about that or pwde din mgconfess k s church priest pwa mbgyan k ng tamang advise

Mahirap man tanggapin mommy, pero pag ganyan makipaghiwalay ka na. Bata pa naman ata kayo move on ka focus sa anak. If may manligaw sayo take the opputunity, mas masakit sa parte ng lalaki na makita na iba ang kinikilalang ama ng anak niya.

leave..wag k manghinyng iwan yn ganyng klaseng lalaki bka dumating p ang point n mgkaanak k p ulit s knya mas mbuti hbang maaga mkawala kn sa knya la d nman kwenta😉focus sa anak mo mrmi pang dadating sau n mas krapat dapat🤗hugs mommy

Toxic. Iwanan mo na. Masisiraan kalang ng ulo dyan. Hindi naman dahil mahal mo magpapaabuso ka e. May anak kadin, ayaw mo naman siguro na lumaki sya na ganyan yung namulatan na sitwasyon nyo. Nakakaapekto yon sa mental development ng bata.

VIP Member

nobody deserve to be treated that way! Learn to Love yourself and your baby more ❤. Letting go maybe the best you can do for now!! time will come, that BOY will realize what he lost from you!! you deserve a better MAN ! GO GIRL!!

Sis sya na mismo nagsabi na pinakikisamahan klang dahil sa anak nyo and wla din nmn sya nararamdaman sbi nya db? So dun palang simple logic. Alam mo na dpat ggwn mo. Wag ka magpakamartir dhl lng sknya. Hndi mo sya deserved sis.