Share ko lang po. Pasensya na wala lang masabihan ng sama ng loob

3yrs na kming nagsasama ng asawa ko. Nahuli ko na rin siya ilang beses na niloloko ako. Dumating na din sa point na sinaktan niya ko. Pero lahat yun pinalagpas ko alang alang na din sa mga anak namin tas mahal na mahal ko siya. Bukod pa dun hindi niya kayang iwanan yung mga kaibigan niya. Kaya niyang gawan ng paraan lahat isang aya lang sakanya mas okay pa sakanya na iwanan kami sa bahay kahit na nung bagong opera ako at bagong panganak nun iniwanan niya kami para lang sa inuman. Tinatanong ko siya kung bakit ganon kesyo nahihiya daw siya kaya pumupunta siya. Nung nakaraan nag away kami ng sobra at dun niya na inilabas lahat lahat ng sama ng loob niya sakin. Kung hindi lang dahil daw sa mama niya eh matagal niya na kong iwanan at dahil sakin hindi na siya nakapag aral dahil nung time na yun nabuntis ako at napilitan lang daw siya na magsama kami. Sabi niya pa naghahanap pa daw siya ng iba kasi hindi naman talaga ak yung gusto niya. Pinapakisamahan lang niya ko dahil lang din sa mga anak namin. at kahit konteng pagmamahal wala siyang nararamdaman para sakin. Kaya wag daw ako mag assume ng kung ano galing sakanya. Hayaan ko nalang siya sa kung anong gusto niyang gawin kasi lahat ng gusto niya gagawin niya pa rin kahit ikagalit ko. Pinagbabawalan ko din siya sa pag inom inom kasi halos gabi gabi nalang nasa inuman. Di ko na alam kung ano gagawin ko kung magstay pa ba ko o hindi na. Kasi sobrang sakit na talaga! Pahinge naman po ng advice. Maraming salamat po.

160 Replies

Hiwalayan mo na po... Give up na po mommy... Sa kanya na rin naman na po nanggaling na hindi ka niya mahal... Nagsasama nga kayo ng dahil sa mga bata sa tingin mo ba magandang influence sa mga anak mo na nakikita nila na ang tatay nila ay gabi gabi umiinom??? Gawin mo kung ano ang alam mong tama... Yung mga ganyang lalaki ay hindi pinanghihinayangan...

VIP Member

Kitang-kita na ng dalawang mata mo yung ginagawa niya sayo, naririnig mo na sa lahat ng masasakit na salita sa bibig niya mismo, pero ang tanong mo pa rin dito "kung magsstay ka or hindi na?" Mommy, wag ka naman martyr at tanga. Baka isang araw makita mo sarili mo puro pasa na. Bumangon ka te! ABA!! Maraming single mom jan na masaya sa buhay.

Gusto pala nya matapos sa pag aaral, eh bat ka binuntis. Indi daw ikaw ang gusto, eh bat paulit ulit ka inanakan. Napaka selfish ng asawa mo. Kung ako ikaw, babatukan ko sya ng bongga, iniwan at di ipapakita sa kanya mga anak nya unless humingi sya ng tawad sa mga kagaguhan nya. No woman (or any person) deserves that treatment he is giving you.

hindi ka pla mahal eh. hiwalayan muna kase kahot anunh tumbling gawin mu wala ng patutunguhan yan. sinasaktan ka pa. wala ng dahilan para magsama kau. sis, di na uso martir ngayun. pag di mu tinigil yan araw araw niang paparamdam sau na di ka nia mahal at napipilitan lang xa. aantayin mu pa ba na makahanp xa ng mahal nia tlaga bago ka humiwalay

Leave rather than staying. Siya na po mismo nagsabi di ka niya mahal. Let him do whatever he wanted to do. Obligahin mo na lang po siya magsustento sa kids niyo. Pray lang po sis. Kaya mo yan para sa mga kids mo kasi kung pipilitin mo mag stay ano naman mapapala mo? Is it still worth it? Di na po di ba! Focus ka na lang po sa anak niyo.

Leave. Sorry pero never stay with someone na ganyan ka "walang hiya" ang ugali. Sorry mommy for the word. Iwan mo sya. Then pray harder. Di yan madali pero never ka po magsettle para sa taong walang respeto sayo. Wag mo antayin na walang matira na love para sa sarili mo.. Iwan mo yan at pasustento mo saknya ang anak niyo.

Thankyou so much sa advice mommy! Sobrang laking tulong po sa ponagdadaanan ko ngayon. Nahirapan na kasi ko ng sobra.

Mamsh sa kanya na mismo nanggaling hindi ka nya mahal. Iwanan mo na lang. Kung kasal kayo (well kahit hindi as long as sa kanya nakapangalan ang mga bata) kailangan mya magsustento sa mga bata. It's better na maging single mother kesa habambuhay ka gaganyanin. For sure hindi mo gustong maging ganyan ang sitwasyon mo habambuhay

Naku sis bkit kpa nagtagal kong ganyan lang din,utak mo n gamitin sis,wag na ung puso.yan ang nagpapahamak sa atin mga babae,iwanan mo na yan sis,wagmo n isiksik sarili mo😭sa umpisa lamg namn masakit,tapos fucos kna sa mga anak mo,wagka matakot n mag isa sis,Ang babaeng marunong mabhanap buhay ay ndi takot mawalan ng asawa.

Sa umpisa lang mahirap at napakasakit. Pero kailangan mong tapangan lalo na sa sitwasyon at decision na gagawin mo. Ikaw lang din naman makakapagsabi kung hanggang kailan mo kayang tiisin lahat. Magpray ka po ng taimtim at ipagpray nio din na bigyan nia kayo ng wisdom sa lahat ng magiging desisyon nio. God bless po. 🙏

Advice ko Lang Tama na Ang sobra magmahal pero wag ka nmn mag pakatanga SA taong mhal mo. . marami Tao single mom na umasenso at pinalaki mag Isa ang mga anak SA hirap Ng buhay nakakaya itaguyod Ang anak kaht Wala partner lakasan mo loob harapin Ng hamon Ng buhay itaguyod mo lng Ang anak mo. Mahalin Ang mga anak bgo sarli

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles