RANT

38 weeks and 4 days preggy na po ako . Sobrang sama ng loob ko sa partner ko kase kahapon nagrush ako mamili ng gamit ni baby kase wala nga ko maasahan sa mga inlaws ko (mga puro pangako na napako) naiinis ako kase hindi niya ko masamahan mamili kase di niya mabitawan yung paglalaro niya ng OL games. Tapos umuwi ako sa bahay ng parents ko kase kukunin ko yung gamit na binibigay saken ng kumare ko. Ngayon hindi niya ko masundo kase nandun siya sa mama niya. Ginabe siya sa mama niya mga 7pm, sabe niya hindi niya ko masusundo kase gabi na. pero nung isang gabi 9pm nakalabas pa siya ng bahay kase makikipagkita siya sa barkada niya. Kesyo hindi ko daw siya maintindihan 😑 hindi ko alam kung Preggy Toyo toh. Nkakapuno na kase eh . manganganak na ko lahat lahat hindi niya na ko natutulungan sa gawaing bahay pati mga needs ni baby wala akong maasahan sakanila. Puro family ko na lang gumagawa ng paraan. Matagal na sanang may gamit baby ko kaso tong mga inlaws ko sila nagdedesisyon para sa mga gamit at pangalan ng baby ko. Puro pangako na sila bibili ng gamit ni baby kaya ngayon nag rush ako ng gamit. Sobrang sama ng loob ko kaya ayaw ko na umuwi sa partner ko. Btw kasama namen si SIL sa bahay. Mga tamad sa bahay halos ako na gumawa ng gawaing bahay. Alam na nilang manganganak na ko pero hindi nila ko matulungan sa bahay tapos kapag hindi ako gumawa ng gawaing bahay mga galit. Pagod na pagod na ko mahal ko partner ko kaso napupuno na ko sa pamilya niya mula noon hanggang ngayon. kapag kwinento ko pa mga pinaggagawa nila saken noon pang MMK o Magpakailaman yung kwento ko. hide ko muna identity ko baka may nakakakilala saken dito eh

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Update mga momsh . nakikipaghiwalay na ko ayoko sana ng broken family kaso di ko kase nakikita sakanya yung pagbabago na hinihingi ko . Mula nung nangbabae siya tapos nakunan ako sa first baby sana namen hanggang ngayon never ko siyang nakita na nagwalis o hugas ng pinagkainan namen . Ayoko na sana siyang balikan kaso mahal ko siya . akala ko magbabago . may konting pagbabago kaso tamad pa din talaga . Ngayon andito siya sa bahay namen nakikipag ayos kinakausap ng tatay at kuya ko . ayaw ko pa siya harapin . baka maiyak lang ako sa harap ng pamilya ko . di bale ng manganak ako mag isa kesa magpaalipin nanaman ako sa pamilya niya 😭

Magbasa pa
4y ago

Tama lang yan para naman alam nya anong kamalian nya. Kasi pag di mo binigyan ng leksyon yan di yan mag babago. Paulit ulit lang nya gagawin yan. Pakita mong sawa kana sa ganong set up. Babae tayo di babae lang.

im thankful kasi di ganyan hubby at in laws ko.. pero tama yang ginawa mo just to wake them up, hindi unli lahat ng bagay nakakapuno din talaga yung mga ganyan oo need mo makisama kasi kasama mo sila pero HINDI SA LAHAT NG BAGAY.. esp. sa anak mo actually wala dapat silang karapatan para pag bawalan or pigilan ka kung kelan mo gustong bumili ng gamit ng anak mo o sa kung anong gusto mong ipangalan , in laws lang sila support at advice lang dapat pero out sila sa decision making.. stay strong girl isipin mo nalang yung baby mo at don't worry mahal ka naman ng pamilya mo kaya wag kang matakot na mag isa kaya mo yan at makakaya mo talaga yan ❤

Magbasa pa

Importante na may mag-aalaga sa inyong dalawa ng baby mo lalo na kapag nanganak ka na. Mas maraming time ang need na igugol kay baby kaya pati sarili mahirap na hanapan ng time para makapagpahinga. Paano na lang kapag nag-stay ka pa sa partner mo tapos pati gawaing bahay e iaasa pa lahat sa iyo naku mahirap 'yan. Saka dapat may common sense naman partner mo na buntis and this is the time na mas kailangan mo ang suporta at pag-aalaga niya. Matagal na ba siyang ganyan kasi kung ako iiwan ko na 'yan. Para kasing hindi kayo iniisip na mag-ina niya. Just saying lang po.

Magbasa pa

Dyan ka na lang sa inyo sis hanggang sa manganak ka. Dapat di ka naiistress, and malapit ka na manganak. Baka sa sobrang pagka-iresponsable ng partner mo eh unahin pa nya online games kesa dalhin ka sa hospital. Saka pag andyan na si baby, di pwedeng kaw pa rin gagawa ng lahat, dapat may umaalalay at tumutulong sayo, which is mahirap mangyari pag nasa poder ka ng partner mo kasi tamad silang lahat dun. Kasal ba kayo? Kung ako sayo, hiwalayan mo na yang partner mo.

Magbasa pa
4y ago

i feel her too..

Tama lang yan desisyon mo iwan mo yang lalaki na yan. Napaka-iresponsable! Parang walang baby na darating napaka inutil! Isama pa mag anak nya mga ganyan tama lang na iniiwanan! Gawin mo na lang best mo para sa bata. Hayaan mo sya maghabol s baby at mag anak nya pero utang na loob di na libre tingin kay baby tutal laki ng.perwisyo sa pakikisama mo sa kanila nuon!

Magbasa pa
4y ago

*ako lang naglilinis

Much better po kapag jan ka muna sa family mo mamsh kase mas maaasikaso ka nila ako nga di naman ako pinapabayaan dun sa bahay ng partner ko pero mas gusto ko parin dito sa parents ko kase mas alam kong maaasikaso nila ako dito kaya much better na diyan ka na lang muna sa parents mo mamsh para di ka mastress dun. God bless you mamsh😇

Magbasa pa

Ganyan din kami ng partner ko now pag di nya mabitawan yung computer, ultimo bibili sa tindahan ako pa gagawa kasi tinatamad sya tumayo. Tapos magpapaalam lalabas pupunta sa barkada, aynako talaga. Pero keri naman na nakita nya kasi nagbleeding ako minsan dahil na rin sa stress siguro, talagang bahala sya sa buhay nya hihiga lang ako maghapon.

Magbasa pa

Hello, My heart is with you.. Di sya nag-aalala sayo, anytime pede ka na manganak nyan, di ba nya naisip un. 'NwayS, for now isipin mo muna ang sarili at ang baby mo. Di ka pababayaan ng family mo kase mahal na mahal ka nila.. its your wise choice pa rin if saan ka muna mag-iistay. Goodluck & have a safe delivery. God blesS..

Magbasa pa

Same here momsh, although wala 'kong prob sa partner ko kasi responsible sya and same kami nagwork, kaso nung nag start ECQ umuwe kami dto sa bahay nila nakaka-stress kasama ung mga kapatid nya, pati asawa ng kuya nya kaya nagkukulong talaga ko sa kwarto and lagi ko nalang kausap ung family ko para nagagabayan pa rin nila ko.

Magbasa pa

Hi sis sa parents mo na lang ikaw magstay kung ganon,wag ka na mstress relax your mind &body lapit ka na pala manganak, Ako kasi sinabi ko mabibiyak sa 2 yun phone nya pag di na tinigilan kakalaro at kung di nya ko tutulungan,hahaha😂😂😂 Im on my 30weeks,stay positive😍😍😍

4y ago

Tama dun na muna sya sa parents nya. Mas maaalagaan sya dun.