RANT

38 weeks and 4 days preggy na po ako . Sobrang sama ng loob ko sa partner ko kase kahapon nagrush ako mamili ng gamit ni baby kase wala nga ko maasahan sa mga inlaws ko (mga puro pangako na napako) naiinis ako kase hindi niya ko masamahan mamili kase di niya mabitawan yung paglalaro niya ng OL games. Tapos umuwi ako sa bahay ng parents ko kase kukunin ko yung gamit na binibigay saken ng kumare ko. Ngayon hindi niya ko masundo kase nandun siya sa mama niya. Ginabe siya sa mama niya mga 7pm, sabe niya hindi niya ko masusundo kase gabi na. pero nung isang gabi 9pm nakalabas pa siya ng bahay kase makikipagkita siya sa barkada niya. Kesyo hindi ko daw siya maintindihan 😑 hindi ko alam kung Preggy Toyo toh. Nkakapuno na kase eh . manganganak na ko lahat lahat hindi niya na ko natutulungan sa gawaing bahay pati mga needs ni baby wala akong maasahan sakanila. Puro family ko na lang gumagawa ng paraan. Matagal na sanang may gamit baby ko kaso tong mga inlaws ko sila nagdedesisyon para sa mga gamit at pangalan ng baby ko. Puro pangako na sila bibili ng gamit ni baby kaya ngayon nag rush ako ng gamit. Sobrang sama ng loob ko kaya ayaw ko na umuwi sa partner ko. Btw kasama namen si SIL sa bahay. Mga tamad sa bahay halos ako na gumawa ng gawaing bahay. Alam na nilang manganganak na ko pero hindi nila ko matulungan sa bahay tapos kapag hindi ako gumawa ng gawaing bahay mga galit. Pagod na pagod na ko mahal ko partner ko kaso napupuno na ko sa pamilya niya mula noon hanggang ngayon. kapag kwinento ko pa mga pinaggagawa nila saken noon pang MMK o Magpakailaman yung kwento ko. hide ko muna identity ko baka may nakakakilala saken dito eh

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

better stay ka muna dyan sa parents mo,para kahit papano maasikaso ka pa nila after giving birth,hirap ng ganiyan,maswerte padin ako responsible ang miater ko,wag ka mawalan ng pagasa sa partner moalay mo naman paglabas ni baby magiba ang ihip ng hangin at magpursigi sya para sa inyo

Much better kung jan ka lang muna sa inyo hanggang sa manganak ka, baka mapano kapa kung palagi kang magpapagod sa kakatrabaho lalo na at anytime pwede kana manganak. 😊 Sana makapag isip ng matino at maging responsable yung partner mo! God bless you mamsh and good luck!

Better stay ka nalang sa family mo. Tutal mga wala naman silbi yang napangasawa mo, dahil kawawa ka pag nag stay ka dyan sa asawa mo, baka kahit bagong panganak ka ikaw pa din gumawa ng gawaing bahay. Walang kwenta yang napangasawa mo.

VIP Member

Hello sis, jan ka nalang muna sa inyo kung naiistress ka sa sitwasyon mo doon. Di yan makakabuti sa iyo at pag lumabas na si baby soon. Pag ang lalake responsable hindi na yan sinasabihan..

You should stay at your parents side. Kung san ka mas comportable at kung san mas matutulunga ka kasi for sure after mo manganak mas Mahirap pa ang depression mo.

Same beh. Immats talaga mga lalake. Yan din parati namin away ni partner. Tapos makatrigger Kasi kabuwanan ko n Ang hormones ko to da highest level.

Lapit na ikaw manganak..isipin mo nlng ngayon ung Sa inyo ni baby mo..wag kana magpakastress better to stay nlng sa fam mo.. :)

VIP Member

dyan kna lang muna sa parents mo sis.. for sure mhihirapan ka after mo manganak kung gnyan na asawamo di kpa nanganganak ha.

Nako good luck pagkapanganak mo. Sainyo ka muna kung mas maalgaan ka ng family mo.. Bka mabinat kapa don sa inlaws mo.

Jan ka nlng sa inyo, huwag kanang bumalik doon if pangit nmn pala situation mo dun. Atlist nja uwi kapa jan sa inyo.