First time mom here! Gaano katagal po bago mawala ang paninilaw ni baby?
36 weeks ako nung pinanganak ko si baby and now 2 weeks old na sya. May paninilaw parin sa eyes and face nya. Gaano kaya katagal bago mawala yung paninilaw?

Ganyan din yung baby ko full term ko sya nailabas, and sobrang dilaw nya kaya pinatest namin cbc, bilirubin level, pinacheck din kung meron syang infection and thankfully wala naman pero sobrang taas ng bilirubin nya. Maulan nung nanganak ako at lagi makulimlim naman kaya ang ginawa namin sariling pailaw si baby yung orange na ilaw and nung may sunlight na araw araw ko syang pinapainitan. Advice ng una nyang pedia is iconfine namin si baby ipapaphototheraphy which is ayaw ko kasi nakita din sa cbc test nya na mababa ang platelet nya, kaya lumipat kami ng pedia and pinaulit cbc test nya and okay naman ang result baka nahirapan daw sa pagkuha ng dugo since malikot si baby nun.Isa pa sa mga factor kung bakit tumagal ang paninilaw ni baby is dahil sa cephalohematoma nya based sa pangalawa nyang pedia. Mag 1 month na si baby this coming may 4 and deretcho parin ang pagpapaaraw namin okay na ang kulay ni baby and wala na cephalohematoma nya 🤗
Magbasa pa