worried mom

Hello, ftm here. Usually gano ba katagal mawala paninilaw ng baby? Nagwoworry na kasi ako pati yung white sa eyes nya naninilaw eh. Turning 2weeks old si baby this saturday.. *Addtl: dec 2 kami lumabas then dec 4 na siya napaarawan kasi nag uulan ng 3 diba? Pero slight nalang naman paninilaw niya, natatagalan lang ako momshies..

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po si baby ko momsh. Juandice tawag sa case nila. Paarawan mo lang lagi for 30 mins. kung meron na araw ng 7am mas ok kasi di pa masakit sa balat yun. Or kung breastfeeding ka naman momsh wag ka magworry kasi madadaan sa bf yan 🙏🏻👍🏻 parang si baby ko( july baby at maulan that time) dahil sa bf ok na si baby ngayon. yun dn naman advise ng pedia ni baby bf lang incase di mapaarawan kasi may vitamins or nutrients dn gaya ng nakukuha sa sunlight ang gatas ntn 😉

Magbasa pa

Yung jaundice ni baby mo it's either breastmilk jaundice, or sa blood type mo Mommy but either way it's all normal. Continue niyo lang sun every morning. Up until 8:30 AM lang ang good sun. Dapat at least 30 minutes mo siya mabilad. It's different for every child. No matter how slow or fast it goes away, it's all normal. Yung manas mo din Mommy matutunaw from the sunlight exposure. So, I suggest sabayan mo si baby mo mag pa-araw. :)

Magbasa pa

ako rin mommy yun baby ko. nka photo therapy nman sya nun nsa nicu, pro nun paguwi nmen napansin ko un gilid ng mata eh madilaw pa rin. cnbe ko sa pedia nya nun follow up check up nya sbe eh paarawan ko nga daw. dko pa naman sya mapaarawan kc palage maulan dto smen ngaun. pro npansin ko mejo nababawas bawasan nman nasa ngaun pagkadilaw. hopefully mawala na jaundice ng mga baby nten momsh.. Pray lang tayo..

Magbasa pa
VIP Member

Usually mga ganyang time if napapaarawan si baby everyday pawala na dapat ung paninilaw ng baby mo. Kasi ung baby ko after 2 days of birth nanilaw siya, so paglabas namin ng ospital, pinaarawan ko siya every morning, ayun, mga after a week okay na kulay niya. If di mo pa napaarawan, try mo muna, but if napaarawan mo na tas ganyan pa rin kulay I suggest na iconsult mo na sa doctor.

Magbasa pa

Sabi ng mga matatanda patakan daw ng breastmilk yung eyes ni baby. In fairness ginawa ng mama ko yun nung isang araw and napansin ko hindi na ganung kadilaw mata mi baby heheh. Ginawa niya raw saming magkakapatid yun 😁

Paarawan nyo lng po 5-15mins araw araw between 8 to 9 am..in 2 weeks mawawala din paninilaw ni baby..pag di pa nawala check up na.sa pedia.. Tawag po dyan jaundice..search nyo sa youtube

Kung lagi mu siya na.aarawAn simula paglabas ni baby, i guess its time na magpa.check up na. Sakin kasi few days nawala naman na paninilaw ni lo. Advise ng pedia ko, paarawan lang.

Dapat po by the time na mag 2 mos. Si baby, di na sya naninilaw. If persistent po paninilaw, please have your baby checked. To make sure na walang jaundice si baby.

VIP Member

Si baby ko 1 month ngaun pa lang nwala ung yellow sa eyes nya. Ung 1st 2 wks nya kase di kmi regular nkakapag pa araw pero ngaun okay na sya.

lgi nyo lng po paarawan bet. 6-8am not more than 30 mins. bka nman mngitim, hubot hubad po lhat pra pantay p rn kulay nya.