Just Sharing

33weeks preggy, ftm. Kinasal kami ng partner ko this january 31, 2020. Sobrang stressed ako. Nagstart lahat yun nung nagpreterm labor ako, nung nagconsult kasi ako sa ob hindi na ko pinayagan magwork, nasa 28weeks ako nung time na yun. After that nakita sa lab test na may gdm ako pero hindi naman alarming kasi point lang sabi ng doctor. Nalampasan namin yun, lahat ng need iturok sakin pati gamot nabili at nagawa para kumapit si baby. Napapansin ko lang na every check up hindi siya interesado. Lagi ko pa siya pinipilit, may times na umiyak ako ng ilang oras kasi urgent yun tapos tinulugan niya lang ako. Tuwing gigisingin ko titignan lang ako tapos babalik ng tulog. Pinaintindi sakin ng mama ko na baka pagod sa work. Ok, inintindi ko. Hindi na ko nagpipilit sa kanya. Tapos nung hindi na ko nakakapasok, sinabihan ko siya na magtabi na siya para sa panganganak ko. Hindi ko pinapakialaman atm niya, basta magtabi siya. Kanina lang pinagtalunan na naman namin kasi wala daw siyang natabi, sinisi pa ko na dahil daw sa mga check up ko yun. Nakakaduda na kasi nakita ko payslip niya, hindi rin naman ganon kalaki yung binayaran sa check up ko. Nakakainis pa na parang inaasahan niya saka ng pamilya niya na may makukuha ako sa sss kaya wala siyang balak magtabi. Parang ang unfair sakin, kaya kong gumastos ng malaki para kay baby. Yung ipon ko pinambili ko ng mga gamit ng anak ko kulang kulang 10k. Siya ni singko hindi makapagtabi. Parang gusto niya sakin lahat ng hirap at gastos. Tapos pinakalatest check up namin possible na ma-cs ako, aabutin ng mga 70k. Nakakapanghina kasi ilang weeks na lang kahit magkano wala akong hawak na pera. Siya ni magkano walang natabi. Lagi na lang binabalewala mga sinasabi ko, useless yung mga time na kinakausap ko hindi naman pala nakikinig at nakakaintindi. Hindi ko na alam dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon. Pati mga noon na problema na pinag usapan na namin walang nagbago ? Ako lang ba o kapag ganyan wala talaga siyang paki sakin?

1 Replies

So far nung nagbuntis ako spoiles ako ng asawa ko. Kahit nag-aaway din kami minsan..pag usapan niyo nalang mommy di kasi magnda sa buntis na stress lalo na kay baby.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles