Breastmilk/Formula

32 weeks preggy na ko. Oct 3 ang EDD. Gusto ko lang malaman kung ano ginawa ng ibang mommy. Gusto ko kasi pure breastfeed sana si baby pag labas nya. Ayoko sana gumamit ng formula. Kaso naisip ko, kagaya sa ibang mommy, ilang days pa bago lumabas yung gatas. Sa lying in kasi ako manganganak, wala naman ibang mga mommy dun para mag donate ng breastmilk. Kaya gusto ko lang malaman, kung bumili pa ba kayo ng formula, in case na ilang araw pa bago lumabas ang gatas, baka kasi gutumin ang baby. Please give me an advice naman po. Kailangan ko pa ba mag prepare ng formula? Or ipa-latch ko lang kay baby hanggang sa lumabas na ang gatas. Kaso pano kung abutin ng ilang days?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sabi nila mommy drops lang need ni baby kasi kasing laki palang ng kalamansi tiyan nila pagkapanganak. Pero papalatch mo pa rin para mastimulate ung breasts mo magproduce ng milk. Kasi pag formula lalo kang di magpoproduce ng milk

6y ago

Yun nga din sis naisip ko na baka pag pinag formula ko sya. Mas lalong di mag produce ng milk yung breast ko.