Bigla akong natakot

31 weeks na po si baby at first ko po ito, ilang araw nakong hirap humiga, huminga at matulog. Tapos kanina habang naghahanap ako ng pwesto para makatulog, hirap kasi tlga mkahanap nya pwesto dahil sumasakit ang likod ko dahil siguro mabigat na si baby. Bigla kong narealize na may 2 months pakong ganito, na mahihirapan. Bigla akong natakot, kasi antagal ko pang mahihirapan naiiyak nako. Tapos nagsink in sakin kung ngayon palang ang hirap at ansakit ng pano pa kapag manganganak nako, mas mahirap at masakit. Dun nako ninerbyos 😔. Pinipilit kong kumalma kasi kapag nagtuloy tuloy to lalo akong mahihirapan huminga. Hiirap pala tlga maging nanay, hindi pa sya lumalabas kailangan mo ng lakasan ang loob mo. Natatakot ako sa mga mangyayari

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hahahaha same thoughts mi. Palakasin mo lang loob mo mi. Ako lagi ako kinakausap ni mister na sbi wag ako matakot, ung iba nga kinaya. Ung mother ko 14 kami siblings. Kaya wag daw ako kabahan 😂 basta iire lang daw. Haha. Ganyan talaga tayo mi lalo at Ftm pero makakayanan natin yan. Di ka nag iisa. TeamFeb

Magbasa pa
3y ago

kinakausap nlng din po ako ni hubby e, nagso sorry nga po sya.