45 Replies
yes iikot pa yan. music theraphy po. itapat nyo po headset sa puson nyo at magplay ng music para susundan nya yung tunog. kausapin nyo po si baby himas himasin nyo yung tyan nyo at ituro sa kanya kung saan dapat ipwesto ang ulo. ginawa ko yan both sa panganay at bunso ko effective, hinihimas ko puson ko at sinasabi ko na dito ang pwesto ng ulo ha anak dapat normal delivery tayo kaya umayos ka ng pwesto mo. tapos hihimasin ko rin bandang taas ng tiyan ko at sasabihin ko na dun dapat ang paa nya para hindi pahalang ang pwesto nya. tapos lagi ka po matulog sa left side kasi mas madali sya makakagalaw sa paikot sa loob kung naka left side ang higa mo.
pag sinabing breech momsh ang ulo ang nasa taas paa yung nasa may puson banda. pag pahalang transverse ang tawag. 33weeks preggy here transverse position meaning nakapahalang. hoping and praying na umikot pa sya at mag cephalic. pray lang tayo momsh iikot pa yan si baby.
Sis same tayo situation I was 28 weeks that time. Wag ka mawawalan ng pagasa. Just talk to your baby it helps a lot at syempre prayers always help. Maaga pa naman at malaki pa space para makaikot sya. Dont worry at stress ang sarili. Think positive lagi π
Nakatayo po 'yan kapag breech mumsh kasi transverse ang tawag kapag nakahalang sa tiyan. Iikot pa po 'yan tiwala lang yung baby ko ay 35 weeks nung transverse pa umikot po siya. Music lang at flashlight sa may puson po banda.
gnyan din aq nun sis unang ultrasound ko breech den 2nd ultrasound ko 8 months breech parin Hindi ngbago posisyon ni baby kaya Yun Sabi Ng ob ko C'S aq kc delikado daw I normal Ang suni ayun healthy nman si baby na lumabas.
28 weeks plng ako cephalic na sya.. pero before 28 breech din sya gnagawa ko lang knakausap ko sya at nagpapatugtog ako ng music nilalagay ko sa malapit sa ulo nya tapos next day sa puson na para sundan nya ung tunog. π
Malaki pa po ang chance na umikot si baby. Tapatan mo lang po regularly ng music and/or lights sa bandang baba ng puson mo para yun ang sundan ni baby. Pwede mo rin pong kausapin si baby. It helps. Best of luck mommy. π
Iikot at iikot yan, batay sa experience ko sa first and second child ko, kuwentas pa nila mga pusod nainormal ko silang dlwa khit ang lalaki pa nilang lumabas... Iikot pa yan sis
Breech din baby ko noong buntis ako mommy pero ang ginawa ko lakad lakad lang sa Umaga at kina usap si baby Pray Lang din mamsh Goodluck π
iikot pa yan mommy, gawin niyo po pa music po kayo malapit sa puson then po kausapin si baby palagi samahan niyo na po ng prayers .. βΊοΈ