STRESSED

28 weeks pregnant na ako. Ilabas ko lang sama ng loob ko ? yung LIP ko walang pake samin ni baby hindi ako nakakain ng maayos sa kanila dahil sa sinabi niya sakin na wala ako kwenta at wala ako nabibigay sa kanila dto sa bahay nila kaya nahihiya na ako kumain kahapon isang beses lang ako kumain ulam ko milo pa dumating sya ng gabi Galing work ni hindi niya ako tinatanong kung ok ba ako nakakain ba ako hindi niya din ako inaya kumain kaya di ako kumain. Hanggang ngayon dipa ako kumakain ? gustuhin ko man nakakahiya na sa pamilya niya dahil pinagsisigaw nia na wala ako ambag kaya hindi ako kumukuha ng pagkain ? nagtutubig na lang ako ngayon. Stress na stress na ako diko alam ano gagawin ko gabi gabi ako umiiyak dahil sa ginagawa niya. Wala pa kami nabibili na gamit ng baby miski isa at wala din siya ipon miski piso dahilan niya babayad sa utang daw lahat nasstress ako sa nangyayari sakin ?? help nmn diko na alam gagawin ko any advise po

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ko alam bakit may mga ganyan lalaki. Nabuntis lang yung babae parang nakalimutan na kung anong dahilan kung bakit nya minahal si babae. Anyway, kausapin mo ng maayos lip mo. Kung hindi nya kaya magbago ng trato sayo much better if umuwi ka na lang muna sa family mo. Need nyo ni baby ng kahit anong support, and hindi pwede yung nagpapalipas ka ng gutom. Mas isipin mo kayong dalawa ni baby.

Magbasa pa
6y ago

At syempre ngayon buntis ka emotional ka, pero tiisin mo malayo sa kanya if ever hindi nya baguhin pag trato sayo. Mas magiging maayos kayo ni baby kung dun ka muna sa mga taong may pake sayo at ni baby. Tiisin mo yung feelings na nasasaktan ka dahil nalayo ka sa lip mo, kasalanan naman nya dahil wala syang pake sayo. Tiisin mo hanggat manganak ka. Promise yan mag iiba feelings mo right after manganak ka, dun mo marerealize lahat.