STRESSED

28 weeks pregnant na ako. Ilabas ko lang sama ng loob ko ? yung LIP ko walang pake samin ni baby hindi ako nakakain ng maayos sa kanila dahil sa sinabi niya sakin na wala ako kwenta at wala ako nabibigay sa kanila dto sa bahay nila kaya nahihiya na ako kumain kahapon isang beses lang ako kumain ulam ko milo pa dumating sya ng gabi Galing work ni hindi niya ako tinatanong kung ok ba ako nakakain ba ako hindi niya din ako inaya kumain kaya di ako kumain. Hanggang ngayon dipa ako kumakain ? gustuhin ko man nakakahiya na sa pamilya niya dahil pinagsisigaw nia na wala ako ambag kaya hindi ako kumukuha ng pagkain ? nagtutubig na lang ako ngayon. Stress na stress na ako diko alam ano gagawin ko gabi gabi ako umiiyak dahil sa ginagawa niya. Wala pa kami nabibili na gamit ng baby miski isa at wala din siya ipon miski piso dahilan niya babayad sa utang daw lahat nasstress ako sa nangyayari sakin ?? help nmn diko na alam gagawin ko any advise po

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

grabe nman yan LIP mo matapos kang buntisin ganyan trato sa inyo ng magiging anak nyo.. kung ako sa kalagayan mo sis lalayasan ko yan uuwi ako samin.. di pa lumalabas baby nyo ganyan na sya.. pinaparamdam na sa inyo na walang future kayong mag ina sa knya.. walang kwentang asawa yan.. di pwede sakin ang ganyan

Magbasa pa
VIP Member

momsh, wag m n isipin ang sinasabi nila, if d m kaya pa umalis jan, KUMAIN KA, unahin m anak mo kesa sa bunganga nila. eh anu kung wala kang maibigay? basta kumain ka para may lakas kau ng anak mo. mas masisisi ka pa nila if may mangyari sa anak mo. pero kung kaya mong lumayas jan, lumayas kn.

VIP Member

Nako te wag kang magpaka shunga jan! Kung sakin nia lang cnabi yan baka nagalsabalutan ako saka ko cia pinagmumura edi tangina nia! Akin anak ko basta sakin din apelyidong gagamitin at walang karapatan khit cno sa kanila ang sabhan akong ganyan kung ako nanjan sa kalagayan mo

iwanan mo n yan..wlng kwentang lalaki..pakatatag knlng pr s baby mo .. for sure susuyuin k nyan pag umalis kn maybe hindi p sya handa maging ama at magkaroon ng responsibilidad..nalaman mo n totoong ugali nya wag k papauto pag sinuyo k ulit kc uulitin din nya yan pag tagal

Uwi ka nalang sa parents mo sis, maiintindihan naman nila sitwasyon mo kawawa naman si baby kung hindi ka kakain maapektuhan po sya, lagi mo isipin si baby sis wag mo na masyadong istressin sarili mo sa lalaking napaka walang kwenta, gawin mo nalang inspirasyon baby mo

i know it is not easy pero umalis na po kayu. sobra naman po yan. you need food especially for your baby in your tummy. do not prolong your suffering any longer. maawa ka din sa self mo and your baby.

Dun ka muna sa parents mo kase kawawa ka lalo na yung baby mo kung masstress ka sabayan mo pa ng di pagkain. Baka mas okay na andun ka kesa jan ka sa pesteng asawa mo na yan. Napakairesponsable.

Baka mas ok f sa parents mo muna ikaw .masama po na sstress pag preggy . kapal nmn ng muka nyan lip mo bubuntisin tapos ganyan mga pinag sasabi . lipat ka nalang po muna kasi baka mapano si baby .

Kung walang paki sayo ung ama ng anak mo ikaw magkaroon ka ng pakialam sa dinadala mo. Umalis ka dyan at pumunta kung saan magiging maayos kayong mag ina. Di na uso ngayon ang martyr

Umalis ka na dyan mommy. Umuwi ka muna sa inyo. After mo manganak, pwede mo ireklamo yang kinakasama mo kahit di kayo kasal, para makakuha ka ng sustento dahil responsibilidad niya kayo.