Short cervix. Hingi lang po ng advice mga momshies πŸ™

2.2cm lang ang CL ko :( 6 weeks palang ako ngayon at sinabihan ng OB na magbed rest until end of 1st trimester. Then for further assessment. Ang problema ko mag-isa lang ako sa bahay, nasa malayo ngayon ang partner ko at weekend lang ang uwi nya. Dahan dahan nalang kumilos at iwas sa mabibigat na trabaho like magbuhat at maglaba. Pero need ko parin magluto at maglinis para sa sarili ko. Okay lang ba yun? May iniinom akong pampakapit at so far wala namang bleeding. May chance po ba na maging okay hanggang 9 months at humaba yung cervix ko?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

as per advice ng OB ko, kapag iihi ka lang pwedeng tumayo (like papuntang cr) tapos higa..kung pwede nga daw kapag kumain nkahiga pa rin kasi nga daw full bed rest ka momshie pero ako tatayo pag kakain kasama husband ko kasi nung time na yun kami lang dalawa sa bahay..nagpapalaba din kami pg weekends para iwas sa mga mabibigat na gawaing bahay..and ngayun advice na ng OB ko na pwede akong bumyahe pero huwag palaging uupo, tatayo ka lang para ma.circulate yung dugo mo tapos pahinga.

Magbasa pa
2y ago

short cervix ka rin po? ilang weeks ka po?