Rashes sa Pwet
1st time mom po. patulong naman po nakakaparanoid at nakaka dissapoint na po kasi yung rashes ng baby ko, nag pa check up na po kame sa pedia yan po yung binigay na cream di po sya hiyang sa rash free sa drapolene po nag improve naman po kaso ay meron parin halos 2 weeks ko na po namen ginagamit. sa diaper naman po, pampers ang gamit nya. nag try ako ng eq parang dumami ganun din ang cloth diaper nag kabutlig butlig pa sya sa pisngi ng pwet. sana makahiyang nya na itong unilove. any advice po? na aawa na po ako sa baby ko..
ako sis nag ganyan din baby ko nag palit din ako diaper pero ang pinakahiyang yung nivea creme at sudocreme pero kz yn mhirap mg hnap dto dhil sa dubai at middle east pa yn nbbili pero super effective pero try mo nivea yun gamit ko ngaun kz kht ako pag my mga rashes or iritate skin yn dn nllgay ko
Warm water and cotton po ang ipang linis nyo. and lagyan nyo po ng baby bath soap ni baby yung water tapos banlawan nyo din po after. And try nyo po yung ointment na Eczacort yun ginamit ko sa baby ko. Maximum of 3 x a day po ang paglalagay ng cream . Mabilis po gumaling yung sa baby ko.
mag use ka lng lagi ng cotton at warm water every lilinisan si baby..wag ka din muna mag use ng wipes kung mag use ka ng wipes make sure na di scented maganda yung unilove blue color na wipes nila..tapos kung papahidan mo ng cream make sure na malinis din yung kamay momsh.
mi try mo Enfant Baby powder yung yellow na antirash. Nung si baby boy ko ganyan din ako. Nag cream nakami galing kay pedia wala padin until tinry ko boy naman din sa may rashes ko lang pinahid. Nawala irita ni baby. Pero mamsh tignan modin baka din di hiyang ni baby.
ung diaper cream ng Mustela sis maganda din. Make sure mo din na hnd nababad sa wiwi ang bum ng baby mo. Kasi ung eldest ko nevee nagka rashes cloth diaper gamit nya since 3months. Bago mo palitan make sure na tuyo tlaga. Or might as well wag mo muna sya idiaper sa umaga.
gawin nyo po, kada palit ng diaper instead na baby wipes, tubig po gamitin mo. tas mag apply ka ng cream. wait mo until 15mins saka mo suotan ng diaper. 2 to 3 hrs palit ng diaper para di dumami. update kita mamaya yung gamit ko for rashes. nasa work kasi ako.
Thank you so much momshie. pakiramdam ko kasi hindi ako mabuting ina kasi hindi nagaling ang rashes ng baby ko or may pagkukulang ako kaya sya nag ka rashes.
wag muna po kau gumamit ng wipes/pulbos... maaligamgam na tubig panghugas nyo po din punasan ng tuyo na towel at lagyan ng petroleum jelly wag agad lagyan ng diapers dapt maglampin po kau pra marelax ang pwet n baby sa diaper po kc mainit po ang diaper
wag kapo muna gagamit Ng wipes ang panlinis nyo po sakanya bulak at medyo ma warm water Lang at SA diaper din po wag din po muna gumamit try nyo po muna mag lampin at wala po muna laying ipapahid sakanya kahit ano kailangan LNG po kase Nyan mahanginan
try mo po lagyan ng langis yan mii after mo po linisan puwet ni baby.. langis lang dn ginagamot namin ng mama ko sa mga anak ko dati kesa nagpupunta ng hospital tapos d nmn hiyang yung ibibigay na pang pahid.. suggest ko lng nmn😅😅😅
anu po pa ginagamit nyu panlinis ng pwet nya pag nagpoop o wee.... mas better warm water every change ng diaper mas ok kung distilled water muna gamitin dahil sensitive sya... wag pi kayu mag wipes kase minsan sa wipes din po yun allergy