Acne and oily skin

1st time mom, makinis ako before and bihira magka pimple. Pero ngayon, sobrang lala ng breakouts ko and parang ayaw ko na tumingin sa salamin. Any recommendation or suggestion?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mamsh, temporary lang po yan, wag nyo po galawin, use mild cleanser/wash daily. And use oil control paper pag nag oily ung face, don't overwash ur face dahil oily,. Promise babalik po yan sa dati, wag nyo po tirisin or pahidan ng kung ano, kase pregnancy hormones po nagcause nyan e. Yung pinsan ko po makinis po un at walang visible pores sa face, pero nung nagbuntis sya instant lumabas lahat pimples and naging oily sya. Pero ang ginawa nya dinedma nya lang, as in wla sya ginawa, di sya natingin sa salamin para di sya mkpag isip na hawakan ung pimples or tirisin. Pero after nya manganak, pag lipas ng ilang buwan, nawala n mga pimples nya, bumalik n sa dati muka nya ..na parang wla lang. No marks or lalim ng pimples. Siguro kase di nya kase tinitiris or ginamot kaya wlang bahid ng pregnancy acne muka nya. Mawawala din po yang sayo after manganak. ❤️

Magbasa pa
3y ago

Hello Mamsh. Thank you so much po. Nakaka stress lang po minsan. Lalo na po kapag maghihilamos. Ang gaspang at ang bumpy po ng face ko.

Ako nga din po e Dati wala akong tigyawat but now meron na daming nagbago sakin ngayong preggy ako Tumaba,lumaki muka ko/lumaki ilong ko,nagkatigyawat ako,oily skin din. Pero temporary lang yan pag nanganak kana mawawala din yan wag ka muna gagamit ng kung ano ano ngayon saka na pag nanganak kana

VIP Member

ako meron din akong ganyan. Sinsabunan ko lang ng anti bacteria nagiging okay naman na muka ko basta walang ilalagay na kahit na ano. Hayaan lang po yan mawawala naman siya ng kusa, im currently 22 weeks and clear na yung breakouts ko. Tinigil ko yung mga ginagamit ko dati.

nag ganyan din ako during 1st trimester pero nakaka reduce ng red spots yung maglagay ka lang ng ice sa mukha nakaka close din ng pores and nakaka refresh

ganyan din po ako 😩dati wala Kong tagyawat ngayon namn marami sa nuo pero Di namn mapupula .

3y ago

Kaya nga po. Iba-iba po talaga ng symptoms. Thank you so much po.

ganyan din Ako non. eventually nawala din naman. Wala ko ginamit na kung ano ano.

3y ago

Thank you so much po. ❤️

since bawal ang anti acne, try nyo yung cetaphil na pang hilamos

3y ago

yes totoo po ito. cetaphil gentle cleanser gamitin niyo kasi mild soap. naging effective sakin yun. mahal nga lang siya pero worth it naman

VIP Member

mild soaps lang mi, wag muna matapang na chemical bawal po kay baby

normal Po Yan sa preegy dahil Po sa hormonal changes...

Just keep on your facial wash that you used too..

3y ago

Hmm try ponds maganda din un baby face rdl for morning and evening un kc ang gamit ko when i gave birth sa 1st baby ko 15 years ago 😊