😭😭😭 sobrang sakit pabasa plss kahit mahaba po

1am na din ngayon habang nagttype ako tumutulo nalang ang luha sobrang sakit bakit ako nagkaron ng kasamang ganto sa buhay ang asawa ko ,kasal kmi at may dalawa na kaming anak parehas babae 4yrs old at 1yr old.. lagi nya kong sinsabihan ng walang kwenta magbigti na daw ako .. 😭😭😭 pag d ko nasusunod ang utos nya or kahit sa maliit na bagay .. minsan talaga pmapasok na din sa isip ko magpakamatay nalng kaya ako para matapos na pero nangingibabaw pa din ung ayokong iwan mga anak ko .. Naiisip ko din bat kaya ako nagtyatyaga sa gantong tao ? Nasa utak ko na kase ung salitang baka magbago pa ayoko maging broken ung family namin 😭😭 Naiinggit ako sa ate nya kase tinatrato sya ng mabuti nang kanyang asawa .. samantalang ako eto katulong na bobo ang tingin .. bakit kaya nya magsalita ng ganon samantalang ibang mister naappreciate ung mga gingawa ng mga misis nila kahit sa bahay lang .. Ako sa bahay lang din nagaalaga ng dlawang bata d nya manlang ako tanungin kung anong nangyare buong araw samin walang ginawa kundi isipin ang pag iinom .. ( katabing bahay lang namin magulang nya at kinukunsinti sa pagiinom nya sa totoo lang) hinahayaan ko na nga lang uminom ng uminom ee para lang wala kami pag awayan kaso pag uuwi lagi ako gigisingin para magpahilot nang paa kahit madaling araw na tulad ngayon . D ko alam bat sya ganyan napakaswerte na nga nya sakin kase maluwag ako sakanya ee.. alam ko sasabihin nang iba iwan ko na ung asawa ko , lahat nang katangian ng pagiging kupal nasakanya na talaga pero d ko magawa takot din ako sa mangyayare gusto ko buo ung pamilya ko kahit sirang sira na ko 😭😭😭😭

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh isipin mo. Magkakasama nga kayo. Buong pamilya pero ganyan nawiwitness ng mga anak mo. Mga babae pa naman. You should be an example kung pano tamang tratuhin ng lalake pero hindi yun ang kinakalakihan nila. Be strong mamsh kaya mo yan pray lang at daanin niyo sa masinsinan na usapan.

Mamsh magpalamig ka lang muna. Uwi ka muna sa inyo para naman ma refresh isip at pakiramdam mo. Paalam ka ng ayos sa kanya.

Related Articles