...

18 years old palang po ako and going 5 months na po akong buntis pero di pa alam sa amin na buntis po ako ang may alam lang po bf ko family niya and isa kong friend ala nadin po ako parents both mother and father mama ko matagal na wala and yung father ko ever since di ko na kita mga pinsan ko lang kasama ko ngayon, ala pa po kase ako lakas ng loob sabihin sa amin tungkol po dito alam ko naman po na mali ako na masyado pa pong maaga para dito na madami pa po opportunity para sakin kaso napaaga po dating ni baby pero never ko naman po inisip na palaglag bata and ayaw din po ng bf ko swerte naman po ako sa kanya na responsable siya samin dalawa ng anak niya that time po kase nasa isip ko po kase masyado sila mahigpit sakin , masyado po ako nasasakal bawal ganto bawal ganyan andun lang ako sa comfort zone ko alam ko naman po natural lang po yun pero gusto ko lang po na in early time matuto na po ako maging independent para pagtagal tagal kayo ko na mabuhay for myself and madami din pong personal reasons why and di ko na po iisa isahin sa super dami. Di ko po alam kase kung paano ko sasabihin sa kanila wala po ako lakas ng loob hanggang ngayon na sabihin sa kanila advice naman po

33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Its normal na matakot tayo na sabihin sa parents natin na pregnant tayo lalo na at a young age. Normal lang din na hindi maganda or mabibigla sila sa balita, but we have to accept it. In the end, parents parin natin sila at matatanggap din nila yun lalo na pag nandyan na si baby. Dadating at dadating yung time na malalaman at malalaman din po nila yan. Always remember, baby is a blessing ๐Ÿฅฐ

Magbasa pa

Stressful nga yan..ako nga @ 27 years old 34 weeks pregnant di pa din alam ng nanay ko..paano andmaing hanash sa buhay para bang pagnag asawa ako magkaanak katapusan n ng lahat. Balak ko magsabi kpag anjan n ung apo nya atleast maghurumentado man sya wala n sya magagawa..๐Ÿ˜… kidding aside mahirap tlga ang sitwasyon kpag ganyan pero wala n tayo magagawa anjan n yan.

Magbasa pa

Alam ko feeling na yan ๐Ÿ˜ญ 35 weeks na ko at wala pa may alam na buntis ako maliban sa dalawang pinsan ko, sa kanila ako ngayon nag stay, takot ako sabihin sa family ko ang sitwasyon ko. Siguro pg lumabas na si baby tyaka ko sasabihin sa kanila. Sa ngayon, kaya natin to beh ๐Ÿ˜Š positive lng tyo.

5y ago

Wala po akong work. Wala may gusto tumanggap sa buntis ๐Ÿ˜” nakakahiya man pero umaasa ako ngayon sa pinsan ko, ang akin na lang is ibalik ang favor na binigay nila sakin pag maayos na ang lahat ๐Ÿ˜Š positive vibes lng pairalin kht kailangan kapalan ng mukha. Alam ko kc maayos din ang lahat ng to sa future.

I'm also 18 and 6 months preggy ๐Ÿ˜Š don't worry mamsh just find the right timing na sabihin sa kanila siguro sa una madidisappoint or magagalit katulad sa akin but eventually trust me mas excited pa yan sayo kapag tumagal tagal na 3 months namin sinabi both parents, stay strong po ๐Ÿ˜Š

Nakakanerbyos talaga magsabi ng ganyan, ako nga noon 27 years old nung nabuntis nagworry pa din pabo sasabihina.. ๐Ÿ˜Š Alam na ng family mo yan, naghihinala na yan.. Waiting na lang ng confirmation sayo.. Wag kang magaalala everything will be alright ๐Ÿ™

Magbasa pa

Maganda kayong dalawa ni boyfriend mo ang magsabi. Mas maganda din na sa inyo manggagaling. Saka mas gusto nila na agad nila malalaman. Buti naman kahit bata pa kayo di sumagi sa isip nyo kasi blessing lahat ng babies. God bless sis. ๐Ÿ˜Š

VIP Member

Find the right time po para sbhn sakanla pero wag mu na po patagalin, at first magagalit po sila pero matatanggap ka dn po nila dahl kadugo nla yang dnadala mu at isa po siyang anghel., don't stress yourself too much momsh.,

hindi po dahilan ang pagiging mahigpit ng magulang, ikaw ang gumawa nyan, wag mo ilang sisihin.kung tlagang responsable kang anak di sana napa aga yang panganganak mo..wag palagi isisi sa magulang yang pagkaka mali mo.

Sis, normal na magalit family mo sayo kasi you're too young naman talaga para magka baby ka. Pero wala naman na silang magagawa kasi nandyan na yan. Accept everything, tell them kasi family mo lang makakatulong sayo.

Sabihin na po agad. Nakakastress pag may tinatago โ˜บ I know mahirap lalo na sa sitwasyon mo. Pero pasasaan ba't malalaman din nila. Di mo naman maitatago ang bata later. God bless sis! Kaya mo yan.