PLEASE RESPECT MY POST😭😭 "BATANG INA"

18 lang po ako at ang bf ko po ay 20. Nalaman kong preggy ako nitong december 27 2022 nag pt ako tatlo lahat positive umiyak nalang ako kase di ko inexpect na mag positive talaga at bigla nalang dun pumasok lahat ng pag ooverthink ko na baka di matanggap nina mama kase nag aaral pako and ang bata ko pa,pero nag usap kami nang bf ko non kung ano desisyon namen dalwa nung una napagkasunduan pa namen na ipalaglag nalang pero nung habang nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko dahil buntis nga ako wala lang ako ginawa kundi mag dasal at umiyak iniisip ko lahat kung itutuloy namen pero naisip ko nalang na di nalang ituloy dahil sa takot ko sa diyos at ginawa namen to panindigan nalang at sumang ayon din kagad yung bf ko kase di naman nya pinipilit na ipalaglag to kaya naman daw nya kami buhayin ng magiging anak nya takot lang talaga sya sa magiging reaction ng magulang ko dahil saken pa nagka unang apo sina mama tapos naunahan ko pa dalwa kong kua, 3 months na po tyan ko ngayon pero hanggang ngayon tinatago ko padin sa magulang ko pag bubuntis ko natatakot ako na baka di nila matanggap at alam ko na mahirap buhay ngayon ayoko pa sana dumagdag pako sa isipin nila kaya kami nlg ng bf ko nag aasikaso, nag wowork nadin po sya kasabay ng pag aaral mahirap pero kakayanin po para sa baby namen kung ano dapat gawin at inumin para maging healthy at maayos kami baby ko.

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ipaalam mo na yan sis, kesa mastress ka mas delikado pa kay baby. Isa pa, nasa tamang edad kna yun ngablang eh nag aaral kpa. Pero anjan na yan. Ituloy nyo yan, sa una mahirap pero mairaraos nyo yan ng kayong dalawa lang.

better ipaalam sa parents mo malapiz na mahalata ang tyan mo tanggapin lahat ng consequences dahil nagkamali ka wag mo na antayin sa iba pa mangaling na malaman nila magsorry ka sakanila un lang ang magagawa mo for now

May nangyayari sa inyo ni bf, expected talaga na may mabubuo pwera na lang kung may ginagamit kayo contraceptives. Ngayon pa lang ipaalam mo na sa family mo, mas masakit sa kanila kung sa iba pa manggagaling.

ipaalam mo na sa parents mo bi. gagaan ang pakiramdam mo at may makakatuwang ka pa. pumunta kana rin sa health center sainyo para mabigyan ka ng vitamins. ingat bi .

Ipaalam mo na po. Wala magagawa magulang mo. In the end mamahalin din nila yan. Basta bawi ka pag labas ni baby.. 🥰🥰 ipaalam mo na para makapag pacheck up ka.

masmatanda kapa nga sakin ng 2years Ako nga 16, palang pero buntis den 😊kaya muyan matanggap den Yan ng mga magulang mo

everything will be ok ate