My biggest why?

May 15 nalaman ko na may babae ang asawa ko, delayed nako ng 2days nyan, may balak nakong makipag hiwalay pero dahil delayed ako nag pt muna ako, then nag positive laking tanong ko bakit? Bakit kung keylan ako nabuntis tsaka ko nalaman? Okay naman sya sa finacially support, sa private clinic pa po ako nag papa check up at manganganak, nagbibigay padin sya ng pera sakin, pero bakit napaka sakit para sakin na hindi nya kayang iwan yung babae? Kada gigising ako sa umaga hirap na hirap akong maging masaya, pagod na pagod nako mag explain sa mga tao kung bakit hindi nauwi ang asawa ko sa bahay namin, hindi kuna kasi sya pinauwi after kong malaman ulit na nagkaka usap pa sila nung babae, pulis po ang asawa ko, sabe nya sa mama nya sya nauwi pero alam kong hindi, ramdam na ramdam ko na dun sya sa babar nya nauwi, kapag nagtetex ako hindi sya nagrereply agad. Blinocked pa nya ko sa mga social media accounts, nakikipag hiwalay naman ako sabe ko na magsustento nalang sya samin ni baby pero ayaw nya, hindi daw sya papayag, napapagod nako palagi nalang kaming nagaaway, alam ko minsan kasalan ko kung bakit kami nagaaway kasi kapag hindi sya nagreply sa mga tx ko nagagalit ako kung ano ano na nasasabe ko, kasalan koba? Kasalan koba na pakiramdam ko lagi nalang akong niloloko? Stress na stress nako walang gabi na hindi ako umiyak, walang gabi na hindi ako nakakatulog ng naiyak, naawa ako sa baby ko kasi alam ko apektado sya pero hindi ko kayang itago nararamdaman ko ang hirap dibdibin lang, hindi kudin masabi sa family ko yung stwasyon namin ngayon kasi ang pagkakakilala nila sa asawa ko ay mabait at napaka buting asawa, ano po kayang dapat kong gawin i want to rest pagod na pagod nako physical and emotinally tired, #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ang hirap naman ng kalagayan nyo mommy pakatagtag po kayo pra kay baby .. sguro mommy mas mkaka buti pakawalan muna sya pra mawala ang bigat na nararamdaman mo mag focus po kyo kay baby at kung nag ssustento naman sya pra kay baby okey na po yun .. di nyo po diserve masaktan pulis pa naman sya tas ganyan sya .. mkakahanap ka dn ng totoo lalaki mag mamahal sayo mommy at tatanggapin ka kahit my anak kana .. sana wag kana malungkot opo masakit tlga dahil naranasan ko lahat yan at mas matindi pa .. ang pag kaiba lang po ntin ayaw po ako hiwalayan ng asawa ko kahit lumayas nako sa bahay nila dun sya samen nauwe naawa din kasi ako sa anak ko lage nya hinahanap papa nya kaya nkipag usap nako at okey naman kmo ngayon at buntis dn po ako sana mommy mging matatag ka pray lang po kung wala kayo mkausap si lord po andyan lang palagi sa tabi natin 🤗🤗😇

Magbasa pa
4y ago

mommy, pakatatag ka para kay baby.. space for both of you kasi sya na nagcacause ng stress mo.. nambabae ang asawa ko ng feb. tapos nagbreak na daw sila ng march... pero nalaman ko lahat ng panloloko nya, june na. ilelet go ko na sya non.. kaso sabi nya PT daw muna ko.. and it turns out na positive.. so ngayon, eto im dealing with him khit sa loob loob ko masakit pa din gnawa nya...