Di pa nakakalakad

14 months old na baby boy ko pero di pa rin siya nakakalakad at tumatayo mag-isa na walang support laging naka hawak sa play fence. Worried na ko dahil may ibang baby nakikita ko 8 months pa lang natakbo na. Ang baby ko nalakad lang sya kapag hawak kamay ko. Pero pag bibitawan ko na sya ayaw nya bigla syang naupo. Natayo sya mga 2 seconds lang. Takot pa sya bumitaw.. Kailangan ko na bang dalhin sa developmental pedia?

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

always practice walking mo sya. gabayan mo palage dahil baka takot pa sya mag isa. maglagay ka din ng pwede nya hawakan /gabayan pag sya nalang mag isa lalakad yung may hahawakan sya para makatayo nag isa.

4y ago

nasa play fence naman po sya at may mat din. Pero ayaw nya talaga bumitaw pa. 🥺

VIP Member

you can ask your baby's pedia muna regarding that po. sila po kasi ang magbibigay ng referral sayo if need na talaga dalhin sa developmental pedia. :)

4y ago

Will ask his pedia on next visit. Thank you Mommy!

hi mommy, kumusta po baby nyo? baby ko 1yr old na pero di pa rin nakakatayo mag isa at hirap na hirap mag step🥺

2y ago

Hi Mommy, exactly 15 months nakapag lakad na baby ko. big help yung push walker at morning walk kahit alalay lang sa kamay nya . ☺️try it mommy pag 17 months wala pa improvement you need na po na dalhin sya sa developmental pedia.