Bakuna Matata: Tips sa Worry-free Bakuna

Ano ang mga worries at katanungan mo tungkol sa pagpapabakuna kay baby? In partnership with Glaxo Smith Kline Philippines, inihahandog namin ang "Bakuna Matata: Tips sa Worry-Free Bakuna!" Facebook Live webinar. Gaganapin ito sa darating na November 20, Friday, 7pm. Makakapanayam natin si Dr. Edwin Rodriguez na siyang sasagot sa ating mga questions tungkol sa mga bakuna ni baby at mga tips before at after ng vaccine schedule. May tanong tungkol sa mga bakuna ni baby? POST YOUR QUESTIONS NOW! Pipili kami ng mga tanong na sasagutin ni Dok! WHEN: November 20, Friday TIME: 7PM WHERE: theAsianparent's Facebook page https://www.facebook.com/theAsianparentPH/

Bakuna Matata: Tips sa Worry-free Bakuna
49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I am a first time mom and my baby is 2weeks now. di po cya nabakunahan ng hepatitis b kasi wala pong available doon sa clinic na inanakan ko. Sabi ng nurse dito sa health center namin Hindi na daw pwedeng bakunahan kasi dapat within 24hrs pagkapanganak dapat naibigay yun kay baby. totoo po ba? okay lang po ba pag hindi nabakunahan si baby ng hepatitis b? salamat po

Magbasa pa
4y ago

sa pinagpapacheck up-an ko. Don kasi ung pedia nya e. lying in un, but nanganak ako sa hosp. mas pinili ko lang talaga magpa pedia sa lying in na pinagpapacheck up-an ko kaysa sa hosp na pinaganakan ko due to distance from my house. mas malapit kasi sa lying in kaysa sa hosp

tanong ko lang po...ano po mangyayari kung wala ni isang bakuna ang baby hanggang mag 1 year old na sya...concern ko lang kasi yung kapitbahay namin nanganak lang sa bahay tapos yung asawa lang nagpaanak wala din history sa center dahil isang beses lang nagpa check up...naawa lang ako sa baby...

Ano po bang dapat gawin pag sumakit at namaga ung part na binakunahan? Dapat po ba hot or cold compress o wlang gagawin? Lahat po ba ng vaccine masakit para kay baby? Pansin ko po kasing ung inje ction nya sa Dtap ang masakit (right leg) pero ung sa pneumonia (left leg) ay hindi nman po masakit.

4y ago

same cold compress muna para mabawasan pain. warm after pra mawala Yung namuo

VIP Member

Ilang ulit po b ang 6in1?i mean kung may booster? kc natapos n baby ko bago pa xa mag6or7months then this month pinag6in1 ulit c baby. 1 year old xa nung July. Ano2 din po ba ang mahalagang vaccine kapag nag1 year old na c baby? Thank you

ano pa po vaccines ang need ni baby, she's turning 11 mos nxt week.. complete un vaccines from the health center.. unfortunately, hndi na nmin natapos un rotateq nya sa pedia, 1 dose lng sya instead of 3. thank you

kakainject Lang po ng 2nd dose ng 6in1 Kay baby last Sunday tas pinasched na sya agad Ng pedia for rota and pneumonia Vax next Sunday ulit okay lang po ba yun? one week Lang interval?

4y ago

sorry momsh wala pa kami SA 4 and 5 hehe nasa 2nd 6in1 and pneumonia tas 1st rota pa Lang kami ehhh

2mos and 19days na po baby ko pero wala pa syang 2nd set of vaccine kasi mejo maliit sya na baby dahil low birth weight sya nung pinanganak ko, okay lang po ba madelay yung bakuna?

4y ago

sis may ibibigay naman yun kapag papabalik sya ng pangalawang bakuna nya pareho sa baby ku.

hepa B reactive po ako.. nabigyan po ng immunoglobulin ang baby ko.. dapat na po ba akong makampante na hnd na makukuha ng baby ko ung pagkakaroon ko ng hepa B.. salamat po

8 months na po c baby, pwde pa po ba sha magpa rotavirus vaccine? If hndi na po, ano po effect nun kay baby kung walang rota vaccine and kung may alternative na pwde gawin?

Ano ano po ang mga bakuna na kailangan ni baby once ipanganak po? At ano ang pagitan ng oras/araw para gawin ang mga bakuna. Thank you po :)