Latching problem
11 days na po si baby pero di pa din nagda-direct latch sakin. Pump lang po tapos bottle fed. Gusto ko po sana breastmilk talaga, ayaw sana mag formula as much as possible. Kaso nakakapagod naman po yung pag pump every now and then. Any advise po pano mapapa latch si baby? Thank you.

totoong nakakadown pag ayaw ni baby sa atin. pero remember mommies, dapat di tayo susuko! dapat maging matatag tayo and really positive na magllatch din sa baby sa atin. ganyan din ako, pero di ako naggive up kahit na umiiyak na ako dahil ang sakit na ayaw nya maglatch sa akin. after 1 month of trying, boom! bigla na lang syang naglatch mga moms! napaiyak na lang ako sa tuwa. then ngayon, nakakapaglatch na sya sa akin anytime! tips. pump lang ng pump, maybe interted kasi nipples natin kaya di nya magrasp. pumping helps na lumabas ang nipples. increase milk supply. pag di na nappump, minsan nawawala, kaya just keep on making sure na may milk parin right position. iba iba ang position na gusto ng bata, pakinggan nyo at pakiramdaman kung ano ang gusto nyang position. pray. pray in all things that you do para mabless ka and si baby laban lang momshies!
Magbasa pa