hirap magburp

10weeks pregnant po. Even after ilang hours after kumain lagi pong may feeling na kailangan kong magburp kaso ang hirap. Nakakaburp naman po kahit pano pero parang laging may kulang saka parang may nakabara sa lalamunan palagi. Pag di kaya minsan nasusuka ko. Meron po bang nakaexperience ng ganito? Ano pong pwedeng gawin? Thanks momshies

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same tayo dati nung 1st trimester ko and same as 2nd trimester. Ang hirap dumighay kaya ginagawa ko noon bubble gum or candy. Kase yung laway natin nakakapagpababa ng acid natin sa katawan

Same feeling should mula 1st month upto now na 7 months nako... Minsan umiinom ako cold water para mag burp kaso hindi sapat minsan..

VIP Member

You can press the in between part of yout thumb and index finger po ate like what I did in the photo. Accupressure❤ very effective

Post reply image

Same po ... 10 weeks din .. wala na din akong gana kumain kase sinusuka ko lang ... Tapos burp ng burp...

VIP Member

Sabihin mo po sa OB. Ako niresetahan for Gastritis e. Di mapadighay tapos parang may stomach cramps

Same here sis. 10wks, ganyan dn ang feeling parang may nakabara o pagkain pa sa lalamunan.

VIP Member

Part of paglilihi ganyan din ako mommy parang di ako mapakali kapag di ako maka burp.

Heartburn yan or acid reflux. You may take Gaviscon. Safe yun sa preggy.

Bloated po ata tawag jan. Search mo po para malaman mo mga remedies

Inom ka po ng pinakuluang luya kindi ka mag burp i fart nalang yan