"10 weeks pregnant here. Lately away kami ng away ng partner ko."

10 weeks pregnant here. Lately away kami nang away ng partner ko, to the point na sumisigaw na ako sa sobrang galit ko. Yung partner ko sa halip na tumigil, sinasabayan pa ako at sinisigawan na rin ako. Hindi ako nakatulog nun kahit pagod na pagod ako, yung puyat ko nun ramdam ko pa din hanggang ngayon. Nag-aalala ako sa baby ko. Kanina nag-away na naman kami, dahil galit na galit ako sa pagsisinungaling nya. Ayaw na ayaw ko nun. Sa halip na humingi ng pasensya, ininsulto pa ang pamilya ko at minura ako. Mabait naman siya at maalaga, pero hindi ko gusto na sinungaling sya at nagagalit talaga ako. Kapag nagconfront naman ako, sinasabayan lang yung galit ko. Parang nakalimutan nya na buntis ako. Naaawa ako sa anak ko at nag-iisip din ako sa future namin. Parang ang hirap makisama sa lalaking sanay magsinungaling. Hindi kami kasal at first baby namin ito. Siguradong hindi na naman ako makakatulog ngayong gabi. 😒 Hindi ko masabi sa pamilya ko yung problema, hindi ko rin masabi sa kanila dahil matanda na rin ang parents nya at alam kong magagalit sila sa partner ko. Ang sakit sakit lang. Bakit ang hirap sa kanya maging honest sa akin, na kung tutuusin hindi ko naman dapat ipagmakaawa yun sa kanya. Siya pa tong galit. Ang sama sama nang loob ko. Sorry, kailangan ko ilabas.. 😭

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

We dont know the whole story naman mhie. Bakit ng sisinungaling ano ang di sinasabi sayo? There is always 2 side of the story. Kung ganyan ugali ng partner mo, give way. ikaw maging calm baka kulang lng din sa pag intindi si partner mo or baka naman tayo din minsan ang may problema kasi yung point lang natin ang gusto natin maka tawid sa kwento. Be calm and explain mo sa kanya bakit ka nagagalit and bakit sya nag sisinungaling??? If sa maayos nyo na pag uusap di padin talaga mag tanda and mag bago e nasa kanya na ang problema, share it sa family nya kasi mas kilala nila partner mo. wag sa family mo kasi ikaw kakampihan ng family mo. If ok nmn kayo ng inlaws mo share it sa kanila para ma tulungan ko. You deserve what you tolerate ika nga nila. Never ever wait na umabot sa pisikalan ang away nyo. 10x ng na fefeel mo ang na fefeel ni baby nyo.

Magbasa pa