Ano ang best thing na ginawa ng asawa mo para sa'yo ngayong buntis ka?
Ano ang best thing na ginawa ng asawa mo para sa'yo ngayong buntis ka?
Voice your Opinion
Sinasamahan ako sa check-ups
Inaalagaan ako
Tinutulungan ako sa gawaing bahay
Sinisiguro na may enough pera kami sa panganganak
OTHERS (ilagay sa comments)

3491 responses

147 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yung lip ko sobrang maalaga pinag titimpla nya ako every morning ng milk dinadalhan ako ng almusal sa higaan, sya nag luluto ng ulam nag hahain sya ng pagkain sa lamesa pag kakain na kami, tinatanong nya ako every merienda kung ano gusto kong kainin kung nagugutom ba ako, sya nag lalaba ng mga damit ko, binibili nya yung mga needs ko. swerte na sana kaso hindi ko ramdam yung sense of responsibility nya pagdating sa personal finances namin. like yung pambili nya ng gatas ko at pang almusal ko hinihinge nya pa sa parents nya pambili ng shampoo ko galing sa mama nya pa. kabwanan ko na ngayon pero wala pa rin syang ipon sa panganganak ko 1 cm na open cervix ko pero ni piso wala pa kaming ipon nag papanic na ako kasi anytime pwede na akong manganak pero sya chill lang, nag resign kasi sya sa trabaho nya dahil di sila nagkasundo nung boss nya. alam naman nyang malapit na ako manganak pero pride nya pinairal nya kaya ayan wala syang trabaho pandemic pa man din :( stress na ako kakaisip kung san kukuha ng pera. kulang pa mga essentials ko wala pa akong mga adult diaper underpads, maternity pads and etc :( Kung yung ibang mommies na team august gusto ng makaraos ngayon Ako Ayoko pa, sana wag muna lumabas baby ko kasi wala pa talaga kaming pambayad sa lying in kinakausap ko si baby na wag muna syang lumabas kahit ma overdue ako ng one week okay lang.

Magbasa pa

1. Everytime na may gusto akong kainin binibinili nya kahit kakauwi palang nya from work . Ako nalang talaga ang nahihiya. 2. Binibili nya lahat ng needs namin ni baby lalo na ung mga vitamins . Sagot nya lahat. 3. Kinakausap nya si baby at Lagi nyang hinahaplos kahit nasa 1st trimester palang sya. 4. Palagi nya akong pinapatawa at pinagpapahinga .. Pero sa totoo lang best thing pdn sa tingin ko na ginawa nya para sakin e nung time na NAKUNAN ako .. Sya ung ngpalakas ng loob ko kasi nagkaron ako ng self pity and mood swings .. Nung time na yun sa kauna unahang pagkakataon nasigawan ko sya pero never nya akong iniwan.. Niyayakap nya ako pag ngkakaganun ako. 3 hrs lang lagi tulog nya nun para maalagaan ako

Magbasa pa

Mula nung nalaman ko na buntis ako sa second baby namin. Si hub na nagluluto, naglilinis ng bahay, naghuhugas ng plato at naglalaba kahit kagagaling lang din nya ng work. Minsan ko lang sya matulungan (honestly) kasi madalas ako mahilo at sobran pagod after work. Ginagawa ko lang maghain at magpaligo ng panganay namin.

Magbasa pa

Actually lahat, pero ung alaga at care tlaga nya sakin yung the best 🥰💓lagi nya ako ineencourage pagtuwing may nararamdaman akong masakit dhil pagbuntis at sinasamahan kahit saan...lging nagalala sya skin 🥰💗bait at sweet si mister

Since OFW asawa ko, cash assistance (lakas maka DOLE) binigay sa amin ni baby na kahit ma CS ako, okey lang hahaha 🤣🤣🤣 pero nainormal ko naman. Kaya ang pera dineposito ko sa bangko para din may dudukutin kung sakali 💕

Isang bisis plng ako sinamahan mag p check up,6months n ako ngun gawaing bahai ako pdin,nagtratrabaho nmn cia pagdating ng bhai celphone lng tpos higa,kaya swerte ng my lip n maalaga

Lahat ginagawa niya.. Pero yung una una.. Always niya akong sinasamahan sa monthly check ko..kasi gusto niya marinig mismo sa OB k ang kalagayan namain n baby

Super Mum

Aside na sinasamahan ako sa monthly check up, lahat ng food na gina crave ko kinakain tlga namin haha. Pra din xang buntis ano hilig ko un din hilig nya.😂

minsan sinasamahan pa check up minsan tinutulungan,lahat jan sa nabangit minsan lang.pero pagfatinh sa hanap buhay never namn kmi nagutuman.sakto lang.

VIP Member

All plus binibili lahat ng food na pinopost ko sa fb 😂 tapos magagalit sakin pag may morning sickness ako kung anu ano daw kasi kinakain ko