Ano ang best thing na ginawa ng asawa mo para sa'yo ngayong buntis ka?
Ano ang best thing na ginawa ng asawa mo para sa'yo ngayong buntis ka?
Voice your Opinion
Sinasamahan ako sa check-ups
Inaalagaan ako
Tinutulungan ako sa gawaing bahay
Sinisiguro na may enough pera kami sa panganganak
OTHERS (ilagay sa comments)

3508 responses

147 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1. Everytime na may gusto akong kainin binibinili nya kahit kakauwi palang nya from work . Ako nalang talaga ang nahihiya. 2. Binibili nya lahat ng needs namin ni baby lalo na ung mga vitamins . Sagot nya lahat. 3. Kinakausap nya si baby at Lagi nyang hinahaplos kahit nasa 1st trimester palang sya. 4. Palagi nya akong pinapatawa at pinagpapahinga .. Pero sa totoo lang best thing pdn sa tingin ko na ginawa nya para sakin e nung time na NAKUNAN ako .. Sya ung ngpalakas ng loob ko kasi nagkaron ako ng self pity and mood swings .. Nung time na yun sa kauna unahang pagkakataon nasigawan ko sya pero never nya akong iniwan.. Niyayakap nya ako pag ngkakaganun ako. 3 hrs lang lagi tulog nya nun para maalagaan ako

Magbasa pa