3508 responses

yung lip ko sobrang maalaga pinag titimpla nya ako every morning ng milk dinadalhan ako ng almusal sa higaan, sya nag luluto ng ulam nag hahain sya ng pagkain sa lamesa pag kakain na kami, tinatanong nya ako every merienda kung ano gusto kong kainin kung nagugutom ba ako, sya nag lalaba ng mga damit ko, binibili nya yung mga needs ko. swerte na sana kaso hindi ko ramdam yung sense of responsibility nya pagdating sa personal finances namin. like yung pambili nya ng gatas ko at pang almusal ko hinihinge nya pa sa parents nya pambili ng shampoo ko galing sa mama nya pa. kabwanan ko na ngayon pero wala pa rin syang ipon sa panganganak ko 1 cm na open cervix ko pero ni piso wala pa kaming ipon nag papanic na ako kasi anytime pwede na akong manganak pero sya chill lang, nag resign kasi sya sa trabaho nya dahil di sila nagkasundo nung boss nya. alam naman nyang malapit na ako manganak pero pride nya pinairal nya kaya ayan wala syang trabaho pandemic pa man din :( stress na ako kakaisip kung san kukuha ng pera. kulang pa mga essentials ko wala pa akong mga adult diaper underpads, maternity pads and etc :( Kung yung ibang mommies na team august gusto ng makaraos ngayon Ako Ayoko pa, sana wag muna lumabas baby ko kasi wala pa talaga kaming pambayad sa lying in kinakausap ko si baby na wag muna syang lumabas kahit ma overdue ako ng one week okay lang.
Magbasa pa



