#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!
I-set na ang iyong alarm! Magakakaroon ng Facebook Live webinar ang #ProjectSidekicks on July 21, 7pm. Makakasama namin si Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, at si Dr. Chex de Leon-Gacrama, isang Neuro-Psychiatrist, upang talakayin ang importansya ng mental health at suporta ng pamilya sa pagkakaroon ng healthy pregnancy. Layunin ng Project Sidekicks na matulungan ang mga buntis na mabigyan ng tamang impormasyon upang ma-prevent ang stillbirth. Mayroong tanong para sa ating doctors? ASK YOUR QUESTIONS NOW! Pipili kami ng mga tanong dito sa app at sasagutin 'yan ng mga doctors natin during the webinar. WHEN: July 21, 7pm WHERE: The Asian Parent PH Facebook page (https://www.facebook.com/events/278185589913847/) Kita-kita tayo, mga buntis!
Hello po, Good Day po! Ask ko Lang po, February 2020 Nagpacheck-up po ako sa Center if... Pregnant po ako,din Ging confirm po Ng midwife na Pregnant po at positive po Yong Lumabas sa Pag PT nya po saakin.At halos Lahat po Ng Sintomas ng isang buntis ay aking Nararanasan.but Noong June 2020 po,Nag pa ultrasound po ako,Bali Ang bilang ko po nyun ay 3months na po Ang aking tiyan.Ang Ginawa po saakin Ng OB ay Transvaginal.At Hindi nya daw po maditect si baby sa Loob Ng tiyan ko,At Noong ging PT nya po ako ay Nag negative po,tapos Tinanong nya po Paano ko daw po nasabi na buntis ako dahil Wala Naman daw nya maditect si baby.Sagot ko Naman po,Yong midwife po mismo Ang nag confirm na buntis ako.dahil chineck nya po ako basi narin po sa Pagbabago sa aking katawan na karaniwang Nangyayari at Nararanasan Ng isang buntis.At Yun po talaga Ang aking Nararanasan at nararamdaman.ngunit Sabi nya po ay Hindi daw po ako buntis.At niresitahan nya po ako Ng Pamparegla.pero Hindi ko po ininom.dahil Alam ko po sa sarili ko na ako po ay buntis dahil Lahat po Ng proweba Ng isang buntis ay aking Nararanasan po hanggang ngaun.Posible po ba kaya Hindi nya po maditect si baby Nung panahon na po Yun ay binabalisawsaw po ako, At nag search po ako sa YouTube Ng Samecase po,Baby can't found in ultrasound, Negative in PT but still Pregnant.As in Wala po kasing paliwanag na maayos Yong OB saakin Ng Sinabi ko,na Lahat po Ng Sintomas Ng isang buntis ay Nararanasan ko po.ang Sabi nya po ay normal Lang daw po Yun,Paano po ba Naging normal Ang Paglaki Ng tiyan, Pagbabago Ng Suso,Naglilihi sa Pagkakaen,Nagbabago Ng mood,Hindi nireregla At Nararamdaman ko po si baby na sumisipa.At Noong ging Transvaginal nya po ako Wala Naman po syang nakita na ibang tumutubo.Meron po bang case kaya Hindi nya makita si baby dahil nasa taas pa si baby at Hindi pa bumababa? At Yong sa PT po, Tinggin ko kaya nag negative po Yun dahil mahilig po akong uminom Ng tubig,to the point na halos tubig nalang po ung urine ko po.sa Ngayon po ay maga 5 months pregnant na po ako itong July 23,2020.Sana po ay may iba pa po kayong suggest or recommendation upang sa next ultrasound ko po ay maditect na po si Baby,At gusto ko po Sana ay Abdominal ultrasound Hindi Transvaginal."Maraming Salamat po".
Magbasa paI gave birth more than a year ago na po and maayos lahat since my husband left to work abroad. I’ve been left with our daughter and we are living with my parents. Kaso napansin ko po napakasensitive ko at ambilis kong magalit. Netong lately lang umabot na ko sa point na sinigawan ko na at pinandilatan ko na yung nanay ko sa sobrang galit ko sa napakasimpleng issue na mas inuna nya si Cardo (Probinsyano) kesa sa anak ko na maghapon sya lang ang bukambibig. Feeling ko natetake forgranted yung anak ko at mas importante sa kanila ang ibang bagay. Wala din ako makuhang support sa kanila maliban sa paglalaba ng mga damit ni baby at paglilinis ng bahay. Parang gusto ko sana mabigyan naman nila ng attention din yung anak ko pero madalas kaseng di nangyayare kaya araw araw ako lang kausap ng bata. Sa kanya na lang din naikot buhay ko kase di din ako makalabas kase walang ibang titingin sa kanya. Lahat online ko na lang binibili para naman may magamit sya kaso pate yun namamasama pa. Kesho baka daw may virus mga inoorder ko, ang hilig hilig ko daw mag order online eh gatas at diapers lang naman yun madalas ni baby. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko feeling ko masisiraan na ko ng bait kase wala talaga kong makuhang emotional support sa mga magulang ko. Feeling nila enough na ang paglalaba at paglilinis nila ng bahay. May gamot kaya akong pwedeng itake para mabawasan o macontrol ko man lang tong mga negative kong nararamdaman? Nag oopen naman ako sa asawa ko pero ang lagi lang nyang sabe pag uwe nya bubukod na kame. Mas kampante lang din daw kase sya na andito ko atleast may kasama ko kahit papano kesa kameng dalawa lang talaga ng anak ko magkasama. Hindi din kase nakikinig mga magulang ko kahit anong sabi ko. Di sila naniniwala sa mga post partum na yan. Di ko din alam kung post partum ba to dahil more than a year naman na ko nakaanak.
Magbasa paHi!,, Gud pm po! 6mons preggy here po 3rd pregnancy ko na po,, ang tanung ko sana ay about sa panganay kong anak na PWD 5yrs old na po sya, my microcephaly po at epilepsy,,, kya my maintenance po syang gamot, valproic po at toperamate po gamot nya,, dahil po kya sa maintenance nya kya nasisira at nagkakaputol putol po ngipin nya?,, taz nama2ga po sya na parang umaangat ung gums nya at tinatabunan ung mga ngipin nya, lge ko nmn syang tinu toothbrush after meal, taz ngaun po my tumubong parang bukol sa tabi ng ngipin nya sa bagang taz nilagnat n po sya,, madalas narin po seizure nya hnd nmn po namin madala sa PGH kc puno n po ng positive cases,, dapat po balik nya sa regular check up nya dun is nung march pa po kaso hnd kme nkapunta dahil sa pandemic.. at pwd ko po ba syang dalhin sa kahit saang dentist samin pra pabunutan at palinisan ngipin nya?, sa PGH lng po kc namin sya dinadala,,sana po mapansin nyo tanung ko kahit hnd po tungkol sa pgbubuntis ko. Salmt po and God bless
Magbasa pahi..poh..doc 7 wiks & 3 days na poh..aku..pregnant then share ku..lang poh..na last year poh..almost 1 month poh..na'confine sa NCMH(NationalCenterMentalHealth) due to have a bipolarvdepression poh..Ang katanungan ku..poh..ngayon kasi dahil sa preggy poh..aku..nakakaranas poh..aku..ng same na nararanas ku..b4 na malaman poh..na may bipolar depression aku..tulad poh..ng pananakit ng gitna ng ulo ku..at pagkahilo poh..pti rin poh..minsan sa hindi makatulog poh..sa tamang oras poh..na hanggang sa mapuyat na poh..dahil gising poh..aku..magdamag at aabutin na rin ng kina'umagahan poh..un..lang poh..ang katanungan ku..poh..magpapasalamat na poh..aku..sa mga ma'iishare niyo..poh..na advice poh..more power & god blessed poh..
Magbasa pagood day po sa inyo doc, ask lang po ako, kasi incompetent cervix po ako, but i was put on suppository progesterone at bed rest po ng ob, pero andyan parin po ang pangamba since uala po akong cerclage, mai nabasa po kasi ako na ang safest age na mag undergo ng cerclage is around 12-14weeks, but she told me na pag manigas dw po at di madala ng gamot kailangan napo naming cerclage, parang mas dilikado po yata yung stage na yun doc, natatakot lang po ako, doc ano po kayang mabuting gawin ko, mdyo worry po ako kasi pag gumalaw kasi si baby nasa mababang part ko cya nararamdaman, 20weeks po ako doc. maraming salamat po sa inyo.
Magbasa paGood day po, Doc. Not pregnant po pero I'm hoping na ma-notice nyo po itong question ko. Nung buntis po ako low lying placenta po ako pero tumaas naman nung nasa 6 or 7 months na tiyan ko, mag-14 months na po anak ko pero palagi po akong nakakaramdam ng pananakit ng puson (kapag may buhat kahit magaan at lalo kapag may period), yung pain po is parang naninigas at may kirot, tapos nitong nakaraang linggo nakaramdam ako ng labor-like back pain (halos araw-araw din po nananakit likod ko na parang nagli-labor) kasabay ng dysmenorrhea. Ano po kayang pwede kong gawin o inuming gamot kung sakali? Salamat po.
Magbasa paAno po magiging epekto sa baby if always stress simula first trimister hanggang ngayong third trimister, always po ako naiyak at kulang kulang ako lagi sa gamot pati na po sa sustansya pati narin po ang pagtulog ko lagi po ako puyat, lagi nag iisap, at kulang sa dugo, wala po kasi ngbabantay sa akin kay d ko po alam ano gagawin, wala na mama ko at si partner lagi kami nag aaway, at ang papa ko walang pakeelam saakin kaya d ko po alam gagawin sa sarili ko wala po ako kausap at lagi umiiyak nagiisip pano ba malulutas lahat problema ko. Kaya ano po apekto ng lahat ng yan??😭😭😭😭😭
Magbasa paDoc, lagi po masakit ang ulo ko ramdam kopo na may sipon ako na di makalabas nasa part ng balingusan ng ilong. Hindi naman po barado ang ilong konat nakakahinga ako ng ayos, pero loss of smell po ako. Ano po ang dapat ko.gawin bukod sa calamansi juice at steam inhalation. Mag 2 weeks napo ako bukas na ganito. Sana masagot po. At kung may gamot po.para don, sana malaman kopo. Salamat
Magbasa paHello doc, okay lang po kaya itong nararamdaman ko mainitin ulo ko lagi ako nakasigaw, ayoko din po ng maingay. 35 weeks pregnant po ako. Minsan self pity po ako feeling ko wala ako pakinabang.. wala ako magawa. Pls help kng normal lang po ba Ito. Working mom po kasi ako tapos Feb 2020 nagresigned due to my pregnancy. I hope you can help me on my concern. Salamat po! Mommy Cel
Magbasa paHi po.. I'm 8months pregnant na po with twin girls. 1st time mom po ako.. masakit po kasi ang ngipin ko.. Bukod sa hirap na po ako makatulog sa gabi dahil sa laki na po ng tiyan ko, dumagdag pa po ang sakit ng ngipin ko. Pagod na pagod po tuloy ako paggising ko. Gustuhin ko man po matulog eh hindi po ako makatulog. Tanong ko lang po if allowed po ba ako uminom ng pain reliver?
Magbasa paNooooooooooo. Bigggg NOOOOO. Ask your OB momsh
Mummy of 1 adventurous son