#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!

I-set na ang iyong alarm! Magakakaroon ng Facebook Live webinar ang #ProjectSidekicks on July 21, 7pm. Makakasama namin si Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, at si Dr. Chex de Leon-Gacrama, isang Neuro-Psychiatrist, upang talakayin ang importansya ng mental health at suporta ng pamilya sa pagkakaroon ng healthy pregnancy. Layunin ng Project Sidekicks na matulungan ang mga buntis na mabigyan ng tamang impormasyon upang ma-prevent ang stillbirth. Mayroong tanong para sa ating doctors? ASK YOUR QUESTIONS NOW! Pipili kami ng mga tanong dito sa app at sasagutin 'yan ng mga doctors natin during the webinar. WHEN: July 21, 7pm WHERE: The Asian Parent PH Facebook page (https://www.facebook.com/events/278185589913847/) Kita-kita tayo, mga buntis!

#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!
92 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ano po magiging epekto sa baby if always stress simula first trimister hanggang ngayong third trimister, always po ako naiyak at kulang kulang ako lagi sa gamot pati na po sa sustansya pati narin po ang pagtulog ko lagi po ako puyat, lagi nag iisap, at kulang sa dugo, wala po kasi ngbabantay sa akin kay d ko po alam ano gagawin, wala na mama ko at si partner lagi kami nag aaway, at ang papa ko walang pakeelam saakin kaya d ko po alam gagawin sa sarili ko wala po ako kausap at lagi umiiyak nagiisip pano ba malulutas lahat problema ko. Kaya ano po apekto ng lahat ng yan??😭😭😭😭😭

Magbasa pa