#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!

I-set na ang iyong alarm! Magakakaroon ng Facebook Live webinar ang #ProjectSidekicks on July 21, 7pm. Makakasama namin si Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, at si Dr. Chex de Leon-Gacrama, isang Neuro-Psychiatrist, upang talakayin ang importansya ng mental health at suporta ng pamilya sa pagkakaroon ng healthy pregnancy. Layunin ng Project Sidekicks na matulungan ang mga buntis na mabigyan ng tamang impormasyon upang ma-prevent ang stillbirth. Mayroong tanong para sa ating doctors? ASK YOUR QUESTIONS NOW! Pipili kami ng mga tanong dito sa app at sasagutin 'yan ng mga doctors natin during the webinar. WHEN: July 21, 7pm WHERE: The Asian Parent PH Facebook page (https://www.facebook.com/events/278185589913847/) Kita-kita tayo, mga buntis!

#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!
92 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Good day po, Doc. Not pregnant po pero I'm hoping na ma-notice nyo po itong question ko. Nung buntis po ako low lying placenta po ako pero tumaas naman nung nasa 6 or 7 months na tiyan ko, mag-14 months na po anak ko pero palagi po akong nakakaramdam ng pananakit ng puson (kapag may buhat kahit magaan at lalo kapag may period), yung pain po is parang naninigas at may kirot, tapos nitong nakaraang linggo nakaramdam ako ng labor-like back pain (halos araw-araw din po nananakit likod ko na parang nagli-labor) kasabay ng dysmenorrhea. Ano po kayang pwede kong gawin o inuming gamot kung sakali? Salamat po.

Magbasa pa