#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!

I-set na ang iyong alarm! Magakakaroon ng Facebook Live webinar ang #ProjectSidekicks on July 21, 7pm. Makakasama namin si Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, at si Dr. Chex de Leon-Gacrama, isang Neuro-Psychiatrist, upang talakayin ang importansya ng mental health at suporta ng pamilya sa pagkakaroon ng healthy pregnancy. Layunin ng Project Sidekicks na matulungan ang mga buntis na mabigyan ng tamang impormasyon upang ma-prevent ang stillbirth. Mayroong tanong para sa ating doctors? ASK YOUR QUESTIONS NOW! Pipili kami ng mga tanong dito sa app at sasagutin 'yan ng mga doctors natin during the webinar. WHEN: July 21, 7pm WHERE: The Asian Parent PH Facebook page (https://www.facebook.com/events/278185589913847/) Kita-kita tayo, mga buntis!

#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!
92 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi!,, Gud pm po! 6mons preggy here po 3rd pregnancy ko na po,, ang tanung ko sana ay about sa panganay kong anak na PWD 5yrs old na po sya, my microcephaly po at epilepsy,,, kya my maintenance po syang gamot, valproic po at toperamate po gamot nya,, dahil po kya sa maintenance nya kya nasisira at nagkakaputol putol po ngipin nya?,, taz nama2ga po sya na parang umaangat ung gums nya at tinatabunan ung mga ngipin nya, lge ko nmn syang tinu toothbrush after meal, taz ngaun po my tumubong parang bukol sa tabi ng ngipin nya sa bagang taz nilagnat n po sya,, madalas narin po seizure nya hnd nmn po namin madala sa PGH kc puno n po ng positive cases,, dapat po balik nya sa regular check up nya dun is nung march pa po kaso hnd kme nkapunta dahil sa pandemic.. at pwd ko po ba syang dalhin sa kahit saang dentist samin pra pabunutan at palinisan ngipin nya?, sa PGH lng po kc namin sya dinadala,,sana po mapansin nyo tanung ko kahit hnd po tungkol sa pgbubuntis ko. Salmt po and God bless

Magbasa pa