Gusto mo ba ang course na kinuha mo nung college?
Gusto mo ba ang course na kinuha mo nung college?
Voice your Opinion
Oo, 'yon talaga ang gusto kong kunin
Hindi noong una pero nagustuhan ko na rin
Hindi ko gusto (ilagay sa comments kung ano ang gusto mo sanang kunin)
Hindi ako nakapag-college

4166 responses

84 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hmm. Educ. is my 1st choice, pero since di available sa school na pinasukan ko that time, nag psychology ako. Mahirap sya honestly, pero masaya. After grad ang first job ko accounting staff haha, ang layo diba? and take note sobrang hate ko ang math, pero pag nasa field ka naman na talaga basta willing at motivated ka matututo ka! Walang madali kc puro mali din ako before pero natuto ako?? yan ang akong hapitot!!!❤️

Magbasa pa

BS PSYCHOLOGY MAJOR IN MENTAL PSYCHOLOGY sana ang gusto ko, nakapasa naman ako sa scholarship para sa psych, kaso sa side ni mudra puro teacher tapos owner pa ng private sch. kaya nauwi sa BEED., pero di ko naman nagamit course na natapos ko, kasi di ko talaga gusto maging teacher. Hanggang ngayon feeling ko di ko na fulfill kung ano talaga gusto ko, pero sana someday sana makapag aral pa rin ako ng psych

Magbasa pa

MEDTECH/PHARMACY pero ang gusto ng Daddy ko ay PSYCHOLOGY. MEDTECH/PHARMA SANA PRE-MED KO kasi pag dodoctor talaga ang gusto ko. Well, pwede namang pre-med ang psych, pero hindi ko na feel before due to the things that happened in the past. Now, I am planning to take my Masters of Psychology major in Clinical and Child Psychology.

Magbasa pa
VIP Member

BATA/Theater Arts sana gusto ko kaso nung nag-entrance exam ako hindi ko pa talaga alam yung course na gusto kong kunin kasi dami kong choices hahahaha kaya nanghula nalang ako sa exam ??? bagsak tuloy kaya ibang course at school nalang ako napunta. Balak ko ulit mag-aral o kaya mag-masteral/doctorate nalang hehe

Magbasa pa

HRM kaso mahal kaya napilitan mag IT ng 3yr course pero ndi ko natapos kc nag kaanak agad ako,kaso feeling ko wala ako natutunan sayang lng din tuition? pero nag babalak ako mag aral ulit kso iniisp ko p kukunin kong course yung gusto ko talaga kc medyo alangan nadin ako sa hrm ee.

BS psychology ang gusto ko ayaw ng father ko gusto niya BSBA major in mis, ending hindi ko tinapos nang hinayang ako sa time ko at pera ng parents ko.kaya nag work nalang ako dapat talaga na push ko yung gusto kong course kahit nag working student nalang ako.

Psych sna kaso ayaw nila..pag d ko daw kinuha gusto nila d ako mag aaral. . Hehe no choice, nag suggest sila Ng 2, kinuha ko Yung mas madali.. nagustuhan ko nmn siya along the way, pero d pla madali? Mali ako.. minsan Sana Yung Isa n lng pinili ko.

Choice n mader dear kasi yong kinuha q na course (teacher) ang gusto q tlga is marine engineer or any course na related sa barko kaso ayaw nila aq pyagan kasi nga panlalaki daw ang trabaho na yan hnd bagay sa babae ???

gusto ko sana engineering or accounting.. kaso sa Education Ako napadpad? Anyway, naging licensed teacher din Naman Ako but Hindi ko sya nappractice Ngayon,siguro sa aking baby nalang Ako magpapakateacher☺️

Actually hindi ko gusto ang ECE kasi may background na ako about sa electronics nung highschool. Architect talaga gusto ko kaso inenroll ako ng cousin ko sa course na ECE ?. No choice ako kaya yun na lang.