Obligasyon pa rin ba ng anak na suportahan ang magulang niya kung may pamilya na siya?
Obligasyon pa rin ba ng anak na suportahan ang magulang niya kung may pamilya na siya?
Voice your Opinion
Oo, hindi dapat pabayaan ang magulang
Hindi dapat umasa ang magulang sa anak
Depende (ilagay sa comments ang sagot)

4937 responses

102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It should be Voluntary! Bilang mga anak dapat tayo tumanaw ng utang na loob sa ating nga magulang bilang pagbibigay sa atin ng magandang buhay dahil hinde lahat ng anak ay merong responsible na magulang,pwro dapat ay voluntary lamang ito hinde dapat gawing mandatory ng magulang na magbigay sa kanila dahil ang anak ay magkakaroon din ng pamilya at nagsisikap din ito paghandaan ang kanyang magiging buhay. Kaya dapat ang mga magulang ay d dapat iasa sa maging anak ang Future ng pagtanda dapat handa tayo pagdating sa stage na un kaya habang bata kumuha kana ng life insurance may mga Healthcare na may investments narin at insurance 3in1(healthcare,Investments at insurance) kumbaga if u live too long dika matakot dahil may passive income ka kahit nakaupo nalang kayo sa bahay niyo, kung magkasakit ka man may healthcare kang magagamit at kung mamatay ka man may maiiwan ka sa Pamilya mo or kapag naaccident ka may insurance kang makukuha at magagamit mo ito. Kaya prepare now para dika umasa sa bigay ng anak at hayaan mo ang anak na magkusang loob magbigay dahil masarap un sa pakiramdam ng inyong anak na hinde napepressure. Just like us now, hinde kani makausad dahil pasan pasan sin namin ang mga magulang ng asawa ko marami silang magkapatid pero iilan lang ang magbigay at kapag walang magbigay kawawa sila dahil walang pambili ng gamot kaya kahit anong sikap namin laging kulang dahil dalwang pamilya ang bunubuhat ng asawa ko,at ayaw namin matulad sa mga magulang niya pagdating ng araw kaya kahit gaano kaliit ng natitira sa sahod namin sinisikap naming magipon ng pakontikonti at sinisikap din samin makakuha ung 3in1Healthcare.

Magbasa pa

Mahirap kasi hindi mo rin matiis ang magulang, yung lagay namin ngayon magkapatid na parehas na may pamilya kami pa din sumusuporta sa lahat ng kailangan nila, pati wants and needs samin din may bunso pa na paaralin samin din. Minsan nakakaiyak isipin mula ng magtrabaho ako, yung sahod ko napupunta na sa mga kapatid ko, hindi ko nabibili yung kailangan ko, sakto lang ang budget ko para makapasok sa trabaho. Pero the rest di ko na nabibili, hanggang ngayon nag asawa ako nasasakripisyo ang needs ko over their needs. Pero bago ako nag asawa napatapos ko naman na kapatid ko. Akala ko nakatapos na din ako pero Ngayon needs naman ng parents ang kailangan, hindi mahindian kapag humihingi, medyo nakakasakal din. Kaya yung mga parents dyan sana maisip din nila yung pangangailangan ng mga anak nyo, kung sakaling magbibigay sila sa inyo tanungin nyo sila kung kamusta sila, kung di ba nila nasakripisyo yung para sa kanila? kawawa yung mga anak sila yung nagsasakripisyo para sa magulang, wag sana ipatong sa kanila yung bigat.

Magbasa pa

Para sa akin lahat tayo may kanya kanyang buhay at magiging uri ng pamumuhay sa mundong ibabaw, wag natin gawin investment ang mga anak natin na pagaaralin nga natin ngayon tapos pagdating ng panahon sila nman yung aasahan natin na bubuhay sa atin ksi hindi natin alam ang bukas, paano kung nag-asawa agad yung anak mong lalaki after makagraduate or nabuntis ng hindi inaasahan yung anak mong babae eh di may pamilya na agad na gagastusan hindi ba? Kaya dapat sabay sa pagpapalaki ng tama at ayos sa mga anak natin ay isabay na din natin paghandaan yung pagtanda natin ng hindi tayo masasaktan na wala tayong maaasahan sa pagtanda natin dahil may pera tayo at hindi tayo magiging pabigat sa pamilya ng mga anak natin. Kung tumulong sila or magbigay salamat kung hindi ay okay lang basta hindi lang cla mahihirapan dahil sa pabigat tayong magulang sa kanila at tayo nman ay kaya natin mabuhay at kaya natin ang mga sarili natin kasama ng ating mga asawa sa pagtanda dahil pinaghandaan na natin

Magbasa pa
VIP Member

Para sakin depende kase tulad ko kahit may asawa at mag kakaanak na ko kargo ko pa din ang mama at papa ko. Kase ako yung bunso pero di naman ibig sabihin nun pag bunso ka obligasyon mo na. Sa kalagayan po kase namin ngayon yung mga kapatid ko may mga asawa at pamilya na din, di na nila kayang tulungan sila mama at papa kaya ako yung nagkusang loob na karguhin sila. Kase mga senior na sila di ko na pinagtatrabaho kase may mga sakit na. Wala namang ibang tutulong sa kanila na magkukusang loob kaya ako nalang. Syaka di ko kaya na nikikita silang napapabayaan, pero pinagusapan naman namin yun ng asawa ko at sungayon naman sya sakin. Yun lang po salamat

Magbasa pa
VIP Member

Hanggat maaari wag tayo aasa sa mga anak kc may buhay dn sila o future n dapat paghandaan, ang mangyayari para lng tayong namuhunan aa pagtanda taoos gnyan dn mangyayari sa anak, dhl d xa nakaipon dahil nga sa pati magulang kargo nia, yan dn mangyayari sa anak nia so paulit ulit lang. Sabi q nga sa asawa q, magsikap tau n may sariling income kc d naman natin alam if yayaman anak natin, what if d xa palarin sa buhay at kailanganin p dn tulong natin, atleast may maitulong tau kc kht magkapamilya n anak ntn d naman napuputol ang obligasyon ntn.

Magbasa pa
VIP Member

In fact, Hindi na dapat umaasa ang magulang sa anak lalo na kung kasal na ito at may sariling pamilya.. dahil ang pamilyang binubuo na ang priority ng bagong mag-asawa.. ngunit, sa kabilang banda ay huwag parin kalilimutan ang mga magulang lalo na kung sumusobra naman ang budget.. :) Kapag nakakaaatanggap kami ni hubby ng sobra ay pantay lagi ang inaabot namin sa parents ko at in-laws ko...♥️♥️♥️ ganun lang un.. hindi na dapat aasa pero hindi naman dapat natin kalimutan..❤️💞

Magbasa pa

hindi masama na magbigay tulong financial sa magulang. pero ako kakilala na nanay, Lagi nya sinusumbatan mga anak nya tapos susumbat nya ung paghihirap sa mga anak. tapos nalaman ko na wala naman pala sya hirap sa mga anak nya, kasi nagsariling sikap mga anak nya para makatapos ng pag-aaral. tapos lagi sya nagpapa-awa sa mga tao, sisiraan pa mga anak nya kung kanin-kanino para lumabas na masama mga anak nya. kung tutuusin never sya pinabayaan ng mga anak nya kasi nagkukusa magbigay ang mga anak nya sa knya

Magbasa pa
TapFluencer

Depende sa sitwasyon, kung ang magulang ay may pinagkakakitaan nmn at sapat na suportahan ang pangangailangan nila.. malamang hindianghihingi sa mga anak yan.. pro kung wala din nmn pi agkakakitaan at matanda na.. Dapat lang na suportahan natin ang ating mga magulang.. yun man lang ay pakita natin ang pagmamahal ntin sa mga magulang na umaraga sartin simula ng tayo ay sanggol palamang.. at naniniwala aq... kung ang ginawa mo sa magulang mo ay ayun ang gagawin sayo ng mga anak mo pagdating ng panahon..

Magbasa pa

Hindi naman sa obligasyon ng anak na mag bigay. Pero kasi parang ano na natin na pasasalamat db. Inalagaan tayo ng magulang naten. Pinaaral. Parang utang na loob. Pero kung may extra money, wala naman siguro masama na mag bigay kahit paminsan minsa. Basta sabihin din sa asawa. At kung sarili naman naten pera ang ibibigay db. Nag work tayo, pinag hirapan naten yun. So tayo ang may desisyon kung san naten ilalagay ang pera naten. Magulang naten yun at hindi dapat pag maramutan. Tandaan lahat tayo tatanda.

Magbasa pa
VIP Member

Hindi obligasyon ng anak ang magulang. Kung tutulong man ang anak sa magulang nila, it should be out of love, not out of responsibility. Kaya maraming Pilipino ang naghihirap dahil sa ganyang mentality. Obligasyon ng magulang na isecure ang future nila. Kung hindi man nila nagawa yun, pwede silang humingi ng tulong sa mga anak nila pero hindi nila dapat inoobliga o susumbatan ang mga ito.

Magbasa pa