Obligasyon pa rin ba ng anak na suportahan ang magulang niya kung may pamilya na siya?
Obligasyon pa rin ba ng anak na suportahan ang magulang niya kung may pamilya na siya?
Voice your Opinion
Oo, hindi dapat pabayaan ang magulang
Hindi dapat umasa ang magulang sa anak
Depende (ilagay sa comments ang sagot)

4939 responses

102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i was shocked sa result , depende nalang kung ung magulang is disabled na. pero di dapat ituring na obligasyon ng anak ang magulang dahil una s a lahat obligasyon ng magulang paaralin ,buhayin ang anak at kung mag asawa at mag pamilya man sila Labas na ang magulang don. Nasa anak na kung mag aabot pa sa magulang pero dapat hindi sinusumbatan ng magulang ang anak.

Magbasa pa
VIP Member

Depende kung sobra2x ang income ng anak to support the parents. Pero kung kulang pa sa family nya I think not ideal kasi jan nagsisimula ang away mag- asawa.The husband/ wife should know their first priorities.The parents also should understand that not all the time their children can give them financial support.

Magbasa pa

children are parents responsibilities and not the other way around. BUT, if children have the ways and the means to support their parents even if they have their own family, then it's the right thing to do. Our parents did a lot of sacrifices raising us, supporting them during their old age is one way of paying them back.❀

Magbasa pa
VIP Member

Depende po sa anak at magulang. Kung willing ka bgyan ang parents mo wala nman po masama. At kung kaya nman mag bigay bakit hindi. Di po dapat pinagdadamutan ang mga magulang. Meron pong magulang na hindi nag uubliga. Nag hihintay lang po sila 😊😘 at nakakatuwa po dahil parents at mga in laws ko mababait 😍😍😍

Magbasa pa

depende, importante ang magulang pero wag kalumutan ang priority na ay ang sarili pamilya na, depende pa rin sa magulang kasi meron magulang ayaw mag asawa ang anak dahil di na daw sila bibigyan ng sustento kung may sarili nang pamilya. kung makakayang tumulong ay tutulong naman pero hindi obligasyon ng anak ang magulang

Magbasa pa

para sakin hindi na syempre may sarili na syang pamilya na binubuo pero hindi ibig sabihin e pababayaan muna mga magulang mo syempre tutulong kpa din sa abot na makakaya mo pero hindi na dapat gawing obligasyon yun..kung meron nman itutulong bakot hindi dba pero kung wala mahirao naman din pilitin..

Depende kung walang wala ang parents. Pero kami as early as now sinesecure na namin ultimo mo hospitalization and burial namin kase ayokong mastress mga anak namin pagdating ng araw ng dahil sa amin kahit alam kong mahal nila kami gusto ko maging priority nila ang kani-kanyang pamilya nila.

Hindi obligasyon pero nasa saiyo na yun bilang anak. Ako kasi, hanggat kaya ko sige lang. Hanggat may maibibigay. Kasi nung wala pa tayo kakayanan buhayin sarili natin, magulang natin yung nagpakahirap para satin. Di natin matutumbasan ng pera yung pawis at luha at mga sakripisyo nila.

Depende kung disabled ang magulang or Hindi sapat ang pension at walang iba makakatulong sa kanila. Hindi naman kasi lahat ng parents at kaya provide lahat ng needs nila. Tska kung nakakaluwag luman ang anak or may extra budget bakit Hindi magbigay. It's a case to case basis naman

Depende sa istado ng buhay ng anak. Kc kagaya nmin may anak kmi na need ng financial support kaya di kmi nkakapag bigay sa mga parents nmin. Pero pag may bday nila o pasko nag aabot kmi ng bagay na konting pangregalo o ipinagluluto cla ng share na pang handa nila tuwing bday.