
4883 responses

Dapat ibahin ang criteria ng 4P's. ✔️Pamilyang may 1 o 2 anak lang na PWD at walang kakayahang magtrabaho o hindi sapat para sakanila ang kita. ❌HINDI dapat sinasali sa 4Ps ang may 3 o higit pang anak. Di dapat nag aanak ng marami ang walang kakayahang buhayin ang anak! Hindi dapat sinasali sa 4ps ang mga malalakas pa sa kalabaw! Tinuturuan lang sila maging tamad! ✔️Mga matandang mag asawa na wala ng kakayahang magtrabaho at inabandona na ng mga anak. ✔️Mga matatanda na nag iisa na sa buhay, walang kakayahan magtrabaho at walang kakalinga. ✔️Regular dapat na chinecheck ang mga yan para sigurado na nabibigyan sila ng assistance.
Magbasa paHindi. Una, maraming legal na trabaho ang ibinibigay ng gobyerno. Kung di ka tapos sa pag aaral, merong ALS, meron ding TESDA. Di naman maaaring iasa nalang na makatanggap sila ng pera buwan buwan, mas lalo sila magiging tamad. Walang maghihirap kung lahat nagtatyaga at nagsusumikap. Sa siste ngayon, yung pera na ibinibigay sa 4Ps, san ba napupunta? Madalas panginom, pangsugal at kung ano ano pa.. Dahilan? Next month meron naman ulit. Hindi dapat pera ang ibigay, kundi trabaho. Hindi nila mauunawaan ang halaga ng pera kung di manggagaling sa sarili nilang pagod, pawis at pagtatyaga.
Magbasa paHindi. Para sa akin mas maganda if trabaho ang ibibigay ng gobyerno. Yes, may mga deserving naman ng tulong na members ng 4Ps but most of them, kalaunan eh jan na lang talaga sa 4Ps umaasa. Maraming magsasaka at mangingisda na member niyan na tumigil na lang sa pagsasaka at pangingisda dahil may natatanggap naman. May mga members din na may kaya naman. Maanumalya ang 4Ps so better abolish it na lang at palitan ng programa na pang long term ang tulong hindi band aid solution sa kahirapan. Iba jan dekada na sa 4Ps wala namang improvement ang buhay.
Magbasa paHindi kasi pinangsusugal lang ng ibang 4ps ang perang natatanggap nila sa gobyerno imbes na ihanap ng trabaho para umasenso sila. Madali kasi gastusin ang perang di naman nila pinaghirapan. Kaya hindi na napapalitan yong mga 4ps members kasi umaasa nalang sila palagi walang asenso. Dapat mapalitan din yong ibang members at matulungan yong mas nangangailangan. Di ko naman nilalahat. Pero mas okay na wala nalang ganyan para di unfair sa iba lalo na sa mga panahong ganito sila pa din nakikinabang.
Magbasa paHindi naman lahat ng naka-lista ay labeled as poorest of the poor; karamihan sa mga kakilala ko may mga kaya at ginagamit lang ito sa mga luho nila. Mas nahihikayat pa tuloy ang mga mahihirap na hindi magbanat ng buto dahil sa buwan-buwan ay may nakukuha silang “tulong” sa gobyerno. Kaya hindi ako aprubado sa 4Ps; kung hindi pa rin ito maaalis, sana ayusin ng namumuno nito annually ang mga lista ng kung sino ang mga nasa laylayan pa rin. At ng makita kung nasusunod ang misyon ng 4Ps.
Magbasa paThe objective of the program is not totally wrong. Abolishment of the program is not the best solution IMO. Some of its guidelines need to be revised, and most of all strict monitoring of its implementation. Maganda naman ang 4Ps, inaabuso lang natin, not only the recipients pero maski yung mga namili mismo ng recipients. Kahit gaano pa kaganda ng plano at tulong ng gobyerno sa atin, kung in the first place mali yung identified beneficiaries, the program will never obtain its objective.
Magbasa paPara sa akin OO at HINDI. OO dahil nakakatulong talaga sya lalo na sa mga probinsya na sobrang walang kita talaga mga tao. HINDI dahil sa amin, pinipili lang ang makaka avail. Kung malapit ka sa mga social worker makaka avail ka. Mas may 4PS pa nga yung mga anak ng brgy officials , teachers kesa dun sa walang wala talaga. Tapos yung iba naman na beneficiary, hindi naman nag aaral ang mga bata. Pagka sahod nila, ayun nagsusugal or hindi naman naibibili ng mga gamit ng bata.
Magbasa paSobrang daming mas mahihirap pa kaysa sa miyembro ng 4PS. Sa baranggay namin dami nag hihirap nagtitinda ng ulam, nagbabasura, etc. Yung mga miyembro ng 4 PS dito sa barrangay namin nagsasabong, mahjong, lang sila, minsan nag iinom pa. Yung nag bobote dito na nakikita ko di miyembro. Pero yung mga sugarol miyembro. Sinasangla pa minsan yung ATM para lang may pampusta. Mas maigi na lang kung wala para magtrabaho naman yung mga tamad diyan.
Magbasa paHINDI. KASI UMAASA NALANG SILA LAGI SA GOBYERNO, HINDI NA NAGIGING PANTAY ANG MGA KARAPATAN NATIN. YUNG MGA MIDDLE CLASS/MAY TRABAHO NA NAG BABAYAD NG BUWIS HINDI NAKAKATANGGAP NG AYUDA, PERO YUNG MGA WALANG IBANG GINAWA KUNG HINDI ANG UMASA SA GOBYERNO SILA PA ANG LAGING INUUNA. HINDI SA SELFISH AKO OR WHAT, PERO AYAN KASI ANG REALIDAD NGAYON. KUNG WALA SILANG AASAHAN, MAG HAHANAP AT MAG HAHANAP NG TRABAHO ANG MGA BATUGANG YAN.
Magbasa paThough it really helps for people or family that really needs it, may negative effects pa rin ito such as -may mga myembro na Hindi Naman karapatdapat sa benepisyo (Hindi naipapatupad ng mabuti ang screening, marami pa rin ang mapagsamantala) -karamihan sa mga myembro (Hindi Naman disabled / malalakas Ang pangangatawan) ay tinatamad ng maghanap ng trabaho dahil inaasahan na Lang Ang kanilang benepisyo na matatanggap
Magbasa pa