
4883 responses

hindi ako sang ayon kasi may karamihan kasi di nila binibigyan ng importansya ang pera ng gobyerno dahil ang iban prendado na nila atm nla din di na masyado cla naghahanap buhay dahil ang inaasahan nlng nla ay yung pera monthly nla sa 4P's at my iilan din na nka avail ng programang ito kahit marami nmn silang mga property . kung pra sa akin why not kung mga school supply nlng ang ibigay din free na sa fee sa school.
Magbasa paOkay sana kung ang natutulungan ay yun totoong nangangailangan. Saka dapat monthly o quarterly ang review nyan kung tunay na beneficiary sila. Ang layunin dapat eh tulungan sila sa simula para makabangon. Hindi yun lagi na inaasahan ng mga tao yun ihuhulog sa account nila. Kasabihan na ‘huwag mong bigyan ng isda ang mga taong walang trabaho, sa halip bigyan mo ng pamingwit ng matutong mangisda’.
Magbasa paNakakatulong sa mga hirap talaga sa buhay. Hindi porke 4ps e nakadepende lang sa gobyerno. 4ps ang Nanay ko pero nagttrabaho pa din amg Tatay ko bilang pedicab driver. Malaki man po ang naitutulong ng 4ps sa mga magulang at kapatid ko, hindi pa din yun sapat para magpakasarap sila sa buhay. Still, kelangan pa din magtrabaho ng Tatay ko at di umaasa lang sa gobyerno nabtulad ng iniisip ng ibang tao.
Magbasa paPwede pero dapat ang kasali ay senior cetizen na hindi na makapagtrabaho at walang natatanggap na pension, PWD may kakayahan man o wala mag work, rape victims( don't get me wrong po). Dapat ibahin nila criteria nila sa pagsali ng 4ps. Bawal na bawal ang: tambay ang mag asawa kasi don inaasa, sugarol at parainom ng alak. Or ibigay na lang ay job opportunity or pangkabuhayan sa halip na cash.
Magbasa paDepende rin. Dapat check talaga ng mabuti ng DSWD ang mga beneficiary ng 4PS. Meron kasi nag. aabuso & ginagamit lng sa hnd tama ang binibigay ng gobyerno. Pero dapat ang pera na binibigay nila ay gamitin nila para may pagkakakitaan sila. Yun ang needed gawin pa ng DSWD na turuan sila na magbanat ng buto kahit magstart lng ng maliit na pagkakakitaan gamit ang 4P's budget
Magbasa paHindi kase di lahat deserve magkameron nyan. Para lang yan sa mga nagsisikap na tao na nais magkameron ng maayos na buhay at hirap sa pang araw araw na gastusin. Ung iba kase d sa maayos na o mahalagang bagay ginagamit ung budget na binibigay sa kanila. Ung iba kase sa sugal ginagamit, luho sa katawan. Pagiinom pa nga minsan ang inuuna kesa maghanap ng trabaho.
Magbasa paDapat sana sa hospital Bill nalang ilagay na libre ang batas na yan, as in totally Walang ni piso babayaran. Kasi Di naman pupunta ang mga tao sa hospital kung Walang sakit. Saka ang mga 4ps beneficiary ay lalong nakakatamad sa mga tao. Kaya Di na nagsikap kasi nag antay lang ng ayuda ng gobyerno buwan buwan. Kaya ang pinas usad pagong pa rin ang pag asenso.
Magbasa paako po ay teacher. at nakikita ko po kung sino nabebenepisyahan sa mga budget ng 4ps. maraming karapat dapat na mabigyan nito pero hindi sila kabilang. maraming member dto na hindi dapat mabigyan. but in all, mas mabuting wala na lang sanang 4ps sapagkat nagiging tamad na po ang mga Pilipino umaasa na lamang sila sa mga binibigay ng mga taong bayan.
Magbasa paOk lang nman kung sana ung pinakamahihirap talga.. Karamihan kc ung iba d na nagtatrabaho dhil rason nila may monthly nman cla natatanggap sa gobyerno.. iba pinangbibisyo lang... ngaung may crisis cla lang ang priority smantalang ung mga nagpapakahirap magtrabaho nagbabayad ng tax walang natatanggap na tulong.. nganga..🤦♀️😔
Magbasa pa..sa iba uo at karapat dapat kaso sa karamihan nman kapag natanggap na kung saan saan ginagastos ang pera yung iba nagsusugal pinang sisigarilyo pinang iinom halos wala ng napupunta sa mga bata.. dapat imonitor dn sana kung napupunta ba tlga sa mga bata yung 4ps dahil para sa mga bata nman tlga yun.. and i thank you 😂😂😂
Magbasa pa