Ano po yung pinag kaiba ng MAT1 at MAT2? Nabasa ko po kasi na need ng stamped MAT1 para ma process ang MAT2. Balak ko po sana mag start na uli ng hulog sa SSS ngayong January para makapag apply for mat benefits. Pero nanganak na po ko last August pa. Possible naman po yun diba? Thank you po sa makaka tulong. #advicepls
Read more24 days old na po si baby. May minimal jaundice pa din po si baby kasi talagang wala halos araw noong mga nakaraang linggo dahil maulan na. Nakita na ni dra., kaya naman inadvise niya ko na paarawan pa. Kaso di pa rin talaga siya mapa arawan, ilang araw na. 😭 Sa sept. 28 na sunod check up ni baby, ayoko po siya ipa admit. May tips po ba kayo pano po to mawawala? Thank you po... #advicepls #firstbaby
Read moreSabi nila ang dali lang daw magpalaki ng baby pagkalabas sa tiyan kaya naman di ko talaga siya pinalaki masyado noong pinagbubuntis ko pa siya. 2.5 kilos ko siya inilabas, pero 2.5 kilos pa din sya last check up niya nung 17 days old si baby. What to do po? 😭 May vitamins na siya and bf siya. #1stimemom #advicepls #firstbaby
Read more23 days old pa lang si baby. Pero halos 2 days na siyang di nakaka tulog sa maghapon ng kahit ilang oras lang. Pinaka katagal na ang 1hr. Tas palaging 15-20mins. madalas tulog niya lang. Pag gising, pinapa dede lang ng pinapa dede kasi wala pa naman alam na ibang gagawin niya. Sa gabi naman, nakaka 2-3 hrs. siya. Normal lang po ba yun? Thank you po. #1stimemom #advicepls #firstbaby
Read morePa help naman po ☹ May gatas naman po ako. Ineexpect lang po ng lahat ay yung natulo na sa dede. Ibig sabihin po ba pag hindi ganun ay mahina? May nakukuha naman po baby ko sakin, nakikita naman pag nadede sya. Ano pa po ba pwde gawin para mas lumakas pa? Malapit na ko discourage. ☹ #advicepls #babyfirst
Read more17 days na si baby. 2.5 kilos siya nung nanganak at ngayon sa check up niya, 2.5 kilos pa din sya. ☹ Breastfeed ako kay baby and I think naman enough ang nakukuha niya sakin. Kumakain din ako ng veggies at masasabaw na foods, nag mmalunggay din ako. Ano po ba tips niyo para lumaki at bumigat si baby ☹ Thank you po!#advicepls
Read moreHi po! 🙋🏻♀️😊 Gusto ko lang po ishare 1st week experience after I gave birth. Pansin ko lang na napaka sensitive ko ngayon. Walang wala noong buntis ako. Naiyak din ako noon pero pag mabigat na talaga yung problems o mga isipin ko. Pero ngayon, kahit sa maliit na bagay ay naiiyak na lang ako. Naiiyak ako sa tuwa everytime makikita ko yung baby ko na mahimbing ang tulog, sa 1st time na kakaibang movements ni baby, pag nakikita ko partner ko na grabe yung alaga sa anak namin. Kasi siya yung nakilos sa lahat. Di ako sanay. Hahahaha. Dalawa kaming inaalagaan niya. Naiiyak ako sa lungkot pag na ppressure ako tungkol sa pag breastfeed kay baby dahil noong mga unang araw, sinasabi nila wala akong gatas. Sinusuggest agad na ibili ng gatas. Na nakakaawa pag umiiyak kasi baka walang nakukuha sakin. Yun lang yung pinaka struggle ko kasi ako gusto ko ibreastfeed anak ko. At alam ko naman na meron akong gatas at hindi agad naman e punong puno ang dede ko ng gatas dahil ilang days old pa lang anak ko. Naiiyak ako sa lungkot kapag may di napag sasang-ayunan kami ni partner sa pag-aalaga kay baby(Maarte kasi siya kaysa sakin, hahahaha). Pag minsang naiisip ko yung family ko, wala kasi sila sa side ko. Di makauwi dahil sa Covid. Kaya naman nalulungkot ako at naiiyak pag nammiss ko sila. At mas lalong naiiyak ako everytime na iniisip ko na kailangang kailangan ko alagaan sarili ko. Bukod sa di pwdeng magkikilos at baka mabinat, kailangan kong maging healthy para kay baby. Eh hindi naman ako sanay ng pahingang pahinga. Gusto ko maging okay agad ako dahil ayokong maging burden sa iba. Nasanay na kasi akong mamuhay mag isa. Yun lang. Haha. Kahit mixed feelings, sobrang thankful pa din ako sa blessing ni Lord. Everyday, pinagpapasalamat ko na healthy baby ko. ❤ Sa mga new moms po dyan, enjoy niyo lang po yung experience. Haha. At don't forget to pray po 🥰🥰🥰 #postpartum #firstbaby
Read more