Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
First time Mom
Washing baby's butt after poop
FTM. My lo is now 2 months and 3 days. Okay lang po kayang hugasan direct from gripo ang pwet after poop sa hindi gaanong malamig na tubig? Maayos na aalalayan po ang upper body at ulo. Since born po ay warm water at cotton ang gamit ko pang wash ng pwet niya after poop.
Malunggay Natural Herbs
I'm 38 weeks and 3 days preggy. Pinaghahandaan ko na po ang milk supply ko bago lumabas si Baby. Iinom po ako once mag labor na ako. Lactaflow po ang nereseta ng OB ko sakin. Kaso nong pag-check ng partner ko sa Mercury drugstore ay 800 daw po per box. May umiinom po ba nitong Malunggay Natural Herbs? Ang mura niya lang po kasi. Php130+ SF lang sa Shopee. 100 capsules na. Recommended ng friend ko. Naging maganda daw po ang supply niya. Kumusta naman po ang naging supply nyo ng BM sa mga umiinom nito?
I'm 36 weeks pregnant and my vigina hurts
Nararamdaman ko na siya lastweek. Pero mas masakit ngayon. Habang nakahiga ako patagilid, hindi ko maisara ang legs ko. Dapat may nakapagitan na unan. Mahirap din maglakad. May nakakaramdam na din po ba nito? Masama po ba ito?
Do you drink Generic Calciumade?
May umiinom din po ba nito? Calciumade na nabili ng partner ko sa Generics. 3.5 each lang po siya compared sa nabibili sa Mercury Drug na 9.75 each.
Affordable Newborn Diaper with Good Quality
Good day! I would like to ask your opinions po regarding kung ano ang best and affordable brand of disposable diaper for newborn.
Clothe Diapers vs Disposable Diapers
I'm a first time mom and in 3 months, lalabas na si baby. Baby girl! Ayaw ko po sana na e pure diaper maghapon magdamag ang baby ko. Kasi ang sabi mas prone sa uti ang baby girl kesa sa boys kapag laging naka diaper. Kaya balak ko pong gumamit ng lampin lalo na ng cloth diapers na may charcoal/Bamboo insert. Gumagamit din po ba kayo nito para sa baby nyo? Ano po ang disadvantages bukod sa madaming lalabhan? Mas safe naman po siguro no?
It's a Girl! ??
Thanks God for a healthy Baby Girl! ? Wilona Ashia (26 weeks and 4 days) ?❤ Four months pa lang sa tummy, sobrang likot na. Akala ko lalake siya. At mas gusto ko sana talaga na lalake sana. Pero it's okay. As long as healthy naman siya. Nakita sa ultrasound kanina na babae nga. Sabi pa ni Dra "Kita mo 'to? Wala tayong putotoy jan. Hiwa lang talaga. Ito yong pekpek. Puro lang siya hiwa. Legs, legs. Babae siya. Babae..." Kaya siguro hindi mabuo-buo ang pangalan ng Baby boy namin. ? ----------------- Trivia: The name Wilona is an Anglo-Saxon baby name. In Anglo-Saxon the meaning of the name Wilona is: Hoped for. The name Ashia is an African Baby Name, meaning Hope. The name Ashia is also an Arabic Baby Name, meaning Lively.
Right Aspirin for highblood pressure
Galing po akong ob kanina. Neresetahan ako for highblood pressure. 1st time ko po magkaroon ng record na high ang blood pressure. I am 140/100. Tama po ba ang klase ng Aspirin na nabili ng partner ko? Aspirin Aspilets. Lasang mejo lemon at mejo matamis. Gusto ko lang po malaman ang opinion nyo ngayon. Gabi na kasi. Bukas ko pa maitatanong sa ob ko. ?
Tooth/Gum ache
Im 24 weeks and 6 days preggy. Tatlong araw na halos sumasakit ang bagang ko sa right side. Wala namang sira pero may pasta. Hindi naman halos nakakawala ng sakit ang Paracetamol, which is yon lang ang pwedeng inumin ng buntis, advice ng ob ko. Kahit nong 4 months pa lang ako, salitan ang pagsakit ng ulo at ipin ko. Nabasa ko na normal siya sa buntis due to hormones na dahilan ng pag increase ng blood flow sa gums kaya mas sensitive. Bukod sa paracetamol, I also use Sensodyne Gum Care. Tapos kanina, binababaran/gurgle ko ng mejo cold water ang part na masakit. Tapos palit lang ng palit ng tubig. Hanggang sa mawala ang sakit. Hindi naman kasi nawawala sa warm water with salt. Since lockdown pa, hindi pa ako makabalik sa ob ko. Sa mga nakakaranas din po nito, may iba po ba kayong paraan to ease the pain?
Big boobs or Smaller boobs
I'm 21 weeks pregnant today. First baby. Yong dalawang buntis na friend ko na 5 months din, lumalake na ang boobs nila. Sakin parang walang pagbabago. Is it good or bad po? Napre-predict po ba sa laki ng boobs ang possibility na magpabreast feed sa baby or not related naman po?