Tooth/Gum ache

Im 24 weeks and 6 days preggy. Tatlong araw na halos sumasakit ang bagang ko sa right side. Wala namang sira pero may pasta. Hindi naman halos nakakawala ng sakit ang Paracetamol, which is yon lang ang pwedeng inumin ng buntis, advice ng ob ko. Kahit nong 4 months pa lang ako, salitan ang pagsakit ng ulo at ipin ko. Nabasa ko na normal siya sa buntis due to hormones na dahilan ng pag increase ng blood flow sa gums kaya mas sensitive. Bukod sa paracetamol, I also use Sensodyne Gum Care. Tapos kanina, binababaran/gurgle ko ng mejo cold water ang part na masakit. Tapos palit lang ng palit ng tubig. Hanggang sa mawala ang sakit. Hindi naman kasi nawawala sa warm water with salt. Since lockdown pa, hindi pa ako makabalik sa ob ko. Sa mga nakakaranas din po nito, may iba po ba kayong paraan to ease the pain?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
5y ago

Thank you so much!