MIL PROBLEM
Paalis lang ng inis. Ganito po kasi, dito sa tinutuluyan namin tumuloy family ng hubby ko kasi flight nila ng gabi na. tinakot ni hubby mama nya na kapag lagi pa din inooverfeed si baby dadalhin na namin dito sa manila ang bata (wala pa kasi binyag kaya di pa namin makuha tska iyakin pa sobra baka magreklamo katabing unit). Sabi nya bakit hihintayin nyo pa oras kung iyak na nga ng iyak. kada iyak kasi ng bata lagi gatas bukambibig kahit na kakagatas lang. Tapos sabi ni mil wag daw namin kunin ang bata dito kasi sa polusyon, sabi ko naman hindi naman namin sya papalabasin or ilalabas. ako paba? sa sobrang selan ko na to kahit d nya sabihin dko talaga ilalabas ang bata. tapos pagkasabi ko na di naman sya ilalabas, bata pa nga sya kukunin nyo na sabi nya, mag3mos baby namin etong month na to, sabi ko ulit sa 1yr old nya naman kukunin namin sya kako. sumingit na ate ni hubby sabi ano ba pinaggaganyan mo eh hindi pa naman sa ngaun nila kukunin sabi. Pero sa itsura ng mil ko ayaw nya talaga pumayag. oo alam kung mamimiss nila pero di ba nya inisip na mas namimiss namin ang bata. kami ang magulang. ano ibig nya sabihin? parang di nya na kami binibigyang karapatan sa bata, kami ang mas dapat kasama ng bata. ano yun? anak ko ipagdadamot saken? nagpapasalamat ako na inaalagaan nila pero bivyan din naman nya kami ng asawa ko ng time na makasama ang bata. wag puro sakanya. sa ngayon kasi ang bata nasa mama ko ng weekdays sa mil ko ng weekends. tapos na ang usapan na yan. pero minsan maduga sya, gusto kunin sa mama ko kahit d pa weekend. buti sana kung maayos pag aalaga nya wala ako magiging problema pero hindi eh. d ako tiwala sa kanya. buti pa sa mama ko atleast mas maselan pa nanay ko kesa sa akin kaya alam kong mas maaalagaan ng mabuti anak ko sa kanya habang di pa namin nakukuha.