Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of Claud
Milk for babies na nakakataba
My LO is already 1 year old pero ayaw niya ng lactum, bona or even enfa. I dunno what milk should I give para kay baby. Moms help naman po :) thanks!
Rashes
Mga mamsh! How do you deal with your baby’s rashes? Grabe rashes ni baby eh. Sa leeg niya namumula. I tried oilatum and sudo cream but nothing is working. Any recommendations?
Formula milk
Mga mamsh! Help naman. My 4 month old baby is having some rashes due to his formula milk. Need ko palitan formula niya. Ano kayang magandang milk na affordable? Thanks.
Postpartum Cravings
Mga momsh! Ask lang, lagi kasi ako naghahanap ng chocolates talaga. Minsan Mcdo sundae o kaya naman yung pillows na snacks. Okay lang kaya na kumain ako nun kahit nag breastfeed ako? Di kaya maging fussy si baby or something? Thanks sa mga sasagot ☺️
Newborn feeding
Hi mga momsh!!! Ask lang po sa mga hustler na mommies jan. Si baby ko po kasi 16 days old pa lang pero kung uminom ng milk nakaka 3-4 oz every feeding. Breastfed po siya kaya lang minsan nilalagay ko sa bottle after ko mag pump para masanay din siya sa bottle since I’m going back to work soon. Ask lang po normal lang ba yun o masama talaga sa baby na sobra since maliit lang tiyan nila? Si baby kasi di naman niya sinusuka pero grabe talaga uminom ng milk.
Episiotomy
Mga momsh. Paano malalaman kung bumuka yung tahi niyo? Normal delivery po. Yung sa akin kasi parang nakabukas yung isang part sa may right side kaya di ko alam kung bumuka ba yung tahi o natunaw lang yung tahi and it’s healing. 11 days ko pa lang naman nagpapagaling pero worried ako kasi parang bumuka yung ibang tahi sa right part ng vaj ko. Yung iba nakasara pero may ibang nakaopen so di ko alam. Midwife lang kasi nagpaanak sa akin pero sabi niya maganda naman daw pagkakatahi. Idk what to do first time mom po ako. Advice po mga expert momsh please.
Postpartum
Mga momsh! Ask lang gaano katagal bago gumaling yung tahi niyo? Like yung medyo maayos ayos na kayong nakakagalaw and wala ng kirot? Yung sa akin kasi makirot pa at nahihirapan pa talaga akong gumalaw. Di ko maalagaan ng maayos si baby. Any tips or suggestions po?
Mix feeding
I have low supply of milk. Is it safe to mix feed my baby? Like sa morning, mag formula milk kami while sa gabi ako mag breast feed? Any tips mga mommies? Help pls. New mom here.
Mga momsh! Any tips for postpartum? Grabe nararamdaman ko halo halo eh. Di pa ako masyado makaupo since sariwa pa tahi ko sa pempem ko. Any tips na pwede ko gawin? Like pag iihi or magpoopoo. Panigurado mahapdi at masakit yun. Please respect my post. Just need help from fellow mommies. Thank you!
Labor
Mga momsh! On labor na me. Kaninang umaga 1cm pa lang nung nagpa IE ako kasi may lumabas na dugo sa akin. All throughout the day consistent ang contractions ko. Until now I’m having contractions at least 5-6 minutes apart. Sobrang sakit pala mga momsh. I’ve got pads on me since may mga blood pa din na tidbits. Idk what to do. Hirap na hirap na ako. Nakakapanghina ng tuhod yung mga contractions ko na tumatagal ng 40 secs. ??? Any remedies na pwede gawin?